Jinkee Pacquiao inalala ang simpleng kasal nila noon ng mister niyang si Manny Pacquiao!



Si Jinkee Capeña Jamora-Pacquiao ay 41 taong gulang na pulitiko, socialite, media personality at occasional film producer. Dati na siyang nagsilbi bilang gobernador ng Sarangani sa Mindanao mula 2013 hanggang 2016.


Ikinasal siya kay Manny Pacquiao noong 1999 at sa 21 taon nilang pagsasama ay nabiyayaan sila ng limang mga anak. Sila ay sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.



Tunay nga na nagsisilbi silang inspirasyon para sa maraming mga pamilyang Pilipino. Kahit kasi matagumpay at mayaman na sila sa ngayon ay hindi pa rin sila nagsasawang tumulong at sumuporta sa mga taong nangangailangan.


Hindi na nakapagtatakang marami ang nagmamahal, sumusuporta at rumerespeto sa kanila. Kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko dahil sa pagbabahagi ni Jinkee ng ilang mga larawan nila ni Manny noon sila ay ikinasal sa huwes.


Talaga namang simple lamang ang kasalang naranasan nila noon ngunit bakas sa kanilang mukha ang labis na kaligayahan. Dagdag pa ni Jinkee sa kaniyang post ay kamukhang-kamukha noon ni Manny si Jimuel habang si Queenie naman ang kamukha ni Jinkee.


“Blonde pa ang hair mo @mannypacquiao. Ikaw murag [parang] si jimuel ako murag [parang] si queenie.” Komento ni Jinkee.

Labis din ang pasasalamat niya dahil sa kabila ng mga naranasan nila noon ay nanatili pa ring matatag ang kanilang samahan bilang mag-asawa sa gabay at biyaya ng Diyos.



“21 years and counting! Grabe, how time flies. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat, ang dami nating pinagdaanan, nalampasan ang mga pagsubok at ngayon mananatiling matatag at malakas sa gabay ng Panginoon! I love you, babe! God is good all the time!” Pahayag ni Jinkee.


Hindi madali ang kanilang mga pinagdaanan dahil alam naman natin mula sa mahirap na pamilya si Manny ngunit nagsumikap siya ng husto sa larangan ng pagboboksing at inipon ang kaniyang mga kinita upang makapagpundar ng mga ari-arian at negosyo. Sa ngayon ay isa na sila sa pinakamayaman at pinakamatagumpay na pamilya sa buong Pilipinas.




error: Content is protected !!