Naalala n’yo pa ba si “Sha-Sha” ng Super Twins? Ito na pala ang buhay niya ngayon!



Si Nicole Dulalia na isang child star noon ng GMA network ay sumikat at nakilala ng publiko bilang si Sha-Sha ng Supertwins. Ang kaniyang tunay na pangalan ay Nicole Jeremiah Dulalia sa tunay na buhay.



Isinilang siya noong Oktubre 20, 1997. Una na siyang sumali noon sa sikat na segment ng afternoon show na Eat Bulaga! na Little Miss Philippines. Nanalo siya rito bilang second runner-up.


Noong 2005 ay gumanap siya bilang batang Danaya sa GMA fantaseryeng “Encantadia”. Makalipas lamang ang dalawang taon at ginampanan na niya ang isa sa mga pinakasikat na karakter sa telebisyon noon, si Sha-Sha ng Supertwins.


Sa murang edad ay ninais na niyang makapasok sa industriya ng show business gaya na lamang ng iba pang mga batang artista noon na palaging sumasali sa ilang mga reality talent shows. Noong 2014 ay sinubukan niyang sumali sa Starstruck Kids ngunit hindi siya sinwerteng manalo.



Maaaring hindi siya pinalad na manalo rito ngunit hindi naman ito naging dahilan upang huminto siya sa kaniyang pangarap. Napabilang din siya sa pelikula ninan Maine Mendoza at Alden Richards na “Destined To Be Yours”.


Taong 2018 naman ay gumawa siya ng proyekto sa telebisyon sa “Magpakailanman”. Ilang taon na rin ang nakararaan mula nang huli natin siyang makita sa telebisyon. Sa ngayon ay abala siya sa kaniyang vlog. Naglalaro na din siya ngayon ng “Mobile Legends” na isang sikat na laro sa bansa ngayon. Marami din ang humahanga sa kaniya ngayon dahil sa balingkinitan niyang pangangatawan at maganda niya hitsura.

Sa ngayon ay masaya rin siya sa kaniyang buhay pag-ibig dahil sa mayroon siyang nobyong nakilala sa pangalang Kayne No Quiera. Tunay nga na napakabilis talaga ng panahon, sinong mag-aakala na ang dating cute na batang pinaggigigilan at hinahangaan natin noon ay isa na palang napakagandang dalaga sa ngayon?



Hanggang sa ngayon ay marami pa rin siyang mga tagahanga at tagasuporta.




error: Content is protected !!