Categories: Viral

Nakakabilib na “low budget photoshoot” sa bahay, kinabiliban ng publiko!

Kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko dahil sa viral post ng isang netizen na nakilala bilang si Cijan Cimagala. Sa kaniya kasing viral post ay makikita ang napakagandang kuha niya sa mga larawan ng kaniyang pinsan na aakalain mong kuha talaga sa loob ng isang studio gamit ang isang mamahaling lente ng camera.


Ngunit isang popular na brand lamang ng cellphone ang kaniyang gamit sa pagkuha ng mga larawang ito. Ilan nga sa mga nakakamanghang kuha niya ay nagpapakita ng isang napakagandang modelo na tila ba mayroong kulay berdeng kulay sa paligid nito.


Ngunit hindi mo aakalain na kulambong kulay berde lamang pala ang ginamit dito at kaunting effects ng kaniyang cellphone camera. Ang isa pa niyang larawan ay nagpapakita ng isang modelong may hawak na kaldero sa gilid ng mga kahoy na tila hinahangin pa ang kaniyang kasuotan.


Ikatlong larawan naman ay isang inosenteng mata ng bata na tila nakadungaw sa isang maliit na butas. Hindi pala ito isang maliit na butas lamang dahil sa tinalukbungan nila ng isang lalagyang itim ang bata ay doon nga nakuhanan ang napakagandang larawan na ito.


Mayroon din siyang kuha kung sa kanilang pinaglalabahan o pinagsasampayan ngunit hindi mo aakalaing magiging maganda ang resulta ng larawang kuha rito. Patok na patok din naman ang larawan ng isang batang tila nakasilip sa likod ng maraming mga plato, napakainosente at kahanga-hanga ng kinalabasan ng larawang ito.


Mayroon pang larawan ang isang modelo na hindi mo aakalaing kuha sa likod lamang ng ilang pirasong kahoy. Talaga namang nakakamangha ang talento ng isang Pinoy.


Maaaring marami tayong kinakaharap na problema sa ngayon at maraming hindi kanais-nais na pangyayaring nagaganap sa ating paligid ngunit hindi ito naging hadlang upang panghinaan tayo ng loob o di kaya naman ay sumuko sa buhay. Bagkus ay nagiging dahilan o inspirasyon pa nga ito upang mas lalo tayong magpursige at magsumikap sa buhay.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago