Shara Chavez, ex-girlfriend ni Jovit Baldivino napa-wow ang publiko dahil sa angkin niyang kagandahan sa ngayon!



Nagsilbing inspirasyon sa ngayon si Shara Chavez sa maraming mga kababaihan dahil sa halip na magmukmok, malungkot, at mawalan ng pag-asa sa buhay ay tila ba mas naging matatag pa ito at mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Halos dalawang taon na rin pala ang nakalilipas mula nang mahuli niyang may ibang babaeng kasama si Jovit Baldivino, isang sikat na OPM singer, sa isang live video.



Ibinahagi ito ni Shara sa social media kung kaya naman mabilis itong kumalat at nalaman ng maraming mga netizens. Noong una ay hindi makapaniwala ang publiko dahil sa labis na hinangaan ng mga Pilipino ang naturang singer.


Nagulat sila sa naging rebelasyon ni Shara sa pambabae ng dating nobyo at ang tunay na pagtrato nito sa kaniya at sa kanilang anak. Nakakalungkot nga talagang nauwi na lamang sa hiwalayan ang relasyong dapat sana ay bubuo sa kanilang pamilya.


Ngunit naging matapang at matatag pa rin si Shara dahil sa nakita ng marami kung paano siya tumayo sa sarili niyang mga paa pagkatapos niyang maranasan ang kabiguan na ito. Sa ngayon ay mas maganda siya kaysa dati.


Tila ba naghuhumiyaw ang kaniyang kagandahan sa ngayon, kagandahang sinayang lamang ng isang lalaking naghanap ng ligaya sa iba. Maraming mga kababaihan ang tiyak na nakaranas at patuloy na nakakaranas ng mahirap na sitwasyong ito ngunit pinatunayan lamang ni Shara na maaari din palang maibalik sa ayos ang lahat, kadalasan nga ay mas nagiging maayos pa ang buhay ng mga taong pinipiling mahalin at pahalagahan muna ang kanilang sarili kaysa magpakamartir sa isang relasyong hindi na dapat pang ipagpatuloy.



Sa ngayon ay nasa poder ni Shara ang anak nila ni Jovit at aakalain mo pa ngang magkapatid lamang sila at hindi mag-ina. Talaga namang mapapa-sana all ka na lang, sana all lahat ng pinagtataksilan ng kanilang pinakamamahal ay magagawa pa ring bumangon tulad ni Shara.

Napakagandang inspirasyon para sa maraming mga kababaihan ang kwento niyang ito.






error: Content is protected !!