Kauna-unahang Pinay na naging Mayor sa United Kingdom, pumanaw sa edad na 58-anyos!



Bilang mga Pilipino, wala tayong ibang nais kundi ang makapagbigay karangalan sa ating bansa. Kung kaya naman marami talaga sa atin ang nasorpresa ng maging laman ng balita ang isang Pilipina na nanungkulan bilang alkalde ng Hertsmere sa Hertfordshire England nito lamang Hunyo 2020.


Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napabalita na lamang ang kaniyang biglaang pagpanaw. Ibinahagi sa social media ni Gene Alcantara, kapatid ng 58 taong gulang na si Cynthia Alcantara Barker ang nakakabiglang pangyayari na ito.



“It is with extreme $adness that we announce the passing of The Worshipful Hertsmere Mayor Councillor Cynthia Barker following a bout of serious !llness. We will be issuing further information in due course, but may we ask please to respect the family’s privacy at this very difficult time. Your prayers for the repose of her soul would however be welcome.” Pahayag ni Gene.


Tunay nga na marami ang nalungkot at nagdalamhati sa nangyaring ito. Isa siya sa pinakahinahangaang Pinay ngayon sa buong mundo dahil sa naging matagumpay siyang alkalde sa ibang bansa.

Labis labis naman ang panghihinayang ng kaniyang mga nakatrabaho at mga kaibigan sa kaniyang pagpanaw. Lingid sa kaalaman ng publiko ay mula rin pala siya sa isang mahirap na pamilya.


Kinailangang magtrabaho sa ibang bansa ng kaniyang ina kung kaya naiwanan siya rito sa Pilipinas. Batid niyang para din ito sa kaniya at sa kanilang pamilya ngunit bilang isang anak ay talagang nangulila siya sa kaniyang magulang.



Dahil dito ay nagsumikap siya sa kaniyang pag-aaral hanggang sa nagkaroon siya ng pagkakataong magtungo at manirahan na sa London, United Kingdom taong 1983. Nagtrabaho siya noon bilang registered care manager, international recruitment manager, at immigration adviser noong 1994-2013.

Makalipas ang isang taon mula nang magtrabaho siya immigration department manager ay tuluyan na siyang pumasok sa mundo ng pulitika. Sinong mag-aakala na mabibigyan pala siya ng pagkakataong magsilbi hindi lamang sa kapwa niya mga Pilipino kundi maging sa ibang lahi din.




error: Content is protected !!