Tatlong taon matapos ang biglaang pagpanaw ni Hashtag Franco, nobya niyang si Janica Nam Floresca mayroon nang bagong nobyo!



Kamakailan lamang ay ibinahagi sa social media ng modelong si Janica Nam Floresca ang masaya niyang buhay pag-ibig tatlong taon makalipas ang biglaang pagkasawi ng kaniyang nobyong si Franco Hernandez ng grupong Hashtag ng “It’s Showtime”. Sa edad na 26 na taong gulang ay binawian siya ng buhay matapos ang aksidenteng pagkakalunod nang magbakasyon sila noon sa Davao Occidental.


Talaga namang nalungkot at nagdalamhati ang publiko sa kaniyang maagang pagpanaw lalo na at nung mga panahong iyon ay kasikatan pa ng kaniyang karera. Tunay nga na hindi naging madali sa kaniyang pamilya at maging sa nobya niyang si Janica ang lahat ng ito.



Inakala pa nga ng dalaga na hindi na siya muling magmamahal pa at masasanay na lamang siyang mag-isa hanggang kasama niya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan. Buti na lamang at nakilala niya ang kaniyang nobyo ngayon.


“Love just comes naturally and it will find its way into our lives, just like how God has sent you to me. You are my today and all of my tomorrows.” Pahayag ni Janica.


“Since the day my Angel had passed away almost 3 yrs ago, I was actually contented of being alone. I even thought of not being with someone else ever, as long as I have my family, friends and God, I knew that I would be okay,” Dagdag pa niya.


Nagbahagi din siya ng ilang larawan nila ng bago niyang nobyo sa kaniyang social media account. Batid niyang masaya si Franco sa langit ngayon dahil sa nakatagpo na siya ng taong magmamahal sa kaniya at mamahalin din niya.


“I can’t imagine that I will feel this love again. Regardless of what we’ve been through in our past, we are currently living in our present and what’s to come. I know my angel above is smiling and happy for me. He will always be loved and missed,” pagtatapos niya.




error: Content is protected !!