Isang nars ang naputulan ng binti dahil sa hinayaan niya lang ang nararanasan niyang “cramps” ng ilang buwan!



Sa panahon natin ngayon, napakahirap magkaroon ng sakit. Kung kaya naman mas marami na sa atin ang nagbibigay importansiya sa ating pangangatawan at sa ating kalusugan.

Sabi ng mga nakatatanda, kapag mayroon kang naramdaman na hindi tama sa iyong pangangatawan, dapat ay makinig ka rito at agad na magpakonsulta sa doktor. Mas mabuti nang maagapan ang mga posibleng mangyari kaysa naman ang magsisi ka sa huli.



Kamakailan lamang ay nagulat ang marami dahil sa kwentong ito ng isang nars na nawalan ng binti dahil sa hindi niya kaagad nabigyang pansin ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang katawan. Ang nars na ito ay nakilala bilang si Sette Burnaventura.


Siya ay 26 taong gulang pa lamang at isang rehistradong nars sa Salford Royal Hospital sa Greater Manchester. Isa siya sa mga matatapang na frontliners na lumalaban sa COVID-19 pandemic na nararanasan ng maraming mga bansa sa buong mundo hanggang sa ngayon.



Ayon sa ilang mga ulat, nakakaranas na siya ng pananakit sa kaniyang binti nang halos ilang buwan na rin ngunit inakala niyang dahil lamang ito sa matagal niyang pagtatrabaho o pagtayo sa ospital ng halos 24 oras sa loob ng pitong araw. Hindi na niya nagawa pang unahin ang kaniyang sariling pangangatawan at kalusugan dahil sa sobrang abala din siya sa kaniyang trabaho bilang isang nars.



Napagdesisyunan niya na lamang na magpatingin sa doktor noong nakaranas na siya ng sobrang hirap sa kaniyang paglalakad. Pagkatapos niyang sumailalim sa MRI ay natuklasan nilang mayroon pala siyang “Sarcoma” at lumaki na ang bukol sa kaniyang binti nang halos sukat ng isang “golf ball”.

Sinabi sa kaniya ng doktor na wala na siyang iba pang mapagpipilian kundi ang ipaputol ang isa niyang binti upang makaligtas siya sa pangyayaring ito. Hindi niya akalain na mararanasan niya ito dahil alam niya sa kaniyang sarili na bilang isang nars ay ginagawa nila ang lahat upang manatiling malusog at ligtas upang maalagaan ang kanilang mga pasyente.



Kung kaya naman dahil sa kaniyang kwento ay tiyak na mas marami pan mga tao sa ngayon ang magbibigay ng oras at halaga sa kanilang kalusugan at pangangatawan.




error: Content is protected !!