Ogie Diaz nagpahayag na ng kaniyang saloobin patungkol sa mga paratang ni BB Gandanghari sa kaniya!



Kamakailan lamang ay naging mainit na usapan sa social media ang mga pahayag na sinabi ni BB Gandanghari sa kaniyang vlog. Ayon kasi kay BB ay mayroon diumanong utang ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz kay Rustom Padilla.


Si Rustom ay isa sa pinakasikat at pinakagwapong aktor noon sa industriya ng show business ngunit bigla na lamang nagulat ang publiko nang inamin nitong wala na si Rustom at si BB Gandanghari na ngayon ang nasa katauhan nito. Nagulat ang publiko dahil sa rebelasyon niyang ito ngunit iginalang pa rin ng kaniyang mga tagasuporta ang kaniyang nais.




Makalipas nga ang ilang taon ay napagdesisyunan nang gumawa ng vlogs ni BB. Isa sa mga naging tampok niyang video sa kaniyang vlog ay ang patungkol kay Ogie Diaz.
Agad naman itong pinabulaanan ni Ogie at sinabing dapat ay mayroon siyang ebidensiya o patunay sa kaniyang mga sinasabing paratang.


“At ikaw, Ogie Diaz, malaki ang utang mo kay Rustom. Meron kang atraso, alam mo iyan. Huwag kang magmalinis at hindi ako tatahimik para pabayaan kang magmalinis. Kapal nito,” pahayag ni BB Gandanghari sa kaniyang vlog.

“Utang na loob, wala akong utang kay Rustom Padilla… Kung pera man yang tinutukoy mo, wala akong matandaan na may utang ako kay Rustom. Una, mas galante si Robin Padilla. Pangalawa, mabait sa akin si Rustom Padilla pero hindi kami ganoon ka-close,” sagot naman ni Ogie Diaz.


“Kung yung sinasabi mong utang kay Rustom Padilla ay kung may kasalanan ako sa kanya, ano yung mga ebidensya mo? Kung meron man… Nako, kahit magbagong-anyo ka, kay Rustom ako magso-sorry…” dagdag pa ng batikang komedyante.


Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang patutsadahan ng dalawa. Hanggang sa ngayon ay inaabangan pa rin ng mga netizens ang magiging sagot ni BB sa mga binitiwang salita ni Ogie sa kaniyang vlog.






error: Content is protected !!