Ulilang lubos na ang batang ito matapos masawi ang kaniyang ina at ama nang magkasunod!



Ang pagkakaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya ang isa sa napakagandang bagay na mararanasan natin sa ating buhay. Hindi madali ang maging isang magulang lalo na sa kahirapan na nararanasan natin sa ngayon.



Talaga namang kakailanganin mo talagang magsumikap at magpagal sa pagtatrabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang iyong mga anak. Ngunit napakahirap din pala ang maging isang anak lalo na kung naulila ka na ng lubos.


Tulad na lamang ng batang lalaki na ito na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang nakakalungkot niyang kwento. Ayon kasi sa naging viral na post ng Facebook page na “Trending Viral” ay maagang naulila sa kaniyang ina si Baby Macky dahil sa sumakabilang-buhay ang kaniyang ina na si Mailyn Sabandea nito lamang Enero 2020.


Makalipas ang halos walong buwan ay nasawi naman ang kaniyang ama na si Mark Anthony Cabagnan Sandoval. Sinong mag-aakala na sa murang edad ni Baby Macky ay hindi na niya makakapiling pa ang kaniyang mga magulang?



Nakakalungkot at talaga namang nakakapanlumo ang ganitong kaganapan dahil sa tiyak na sa ngayon ay hindi pa niya lubusang naiintindihan ang mga nangyayari sa kaniyang paligid. Ngunit sa kabila nito ay tiyak na totoo ang nararamdaman niyang kalungkutan at pangungulila sa kaniyang mahal na ama at ina.

Ayon sa ilang mga ulat ay inaalagaan naman siya ng kaniyang mga kamag-anak ngunit marami pa ring mga netizens ang hindi mapigilang malungkot at manghinayang sa napakahirap na sitwasyong ito ni Baby Macky.

Narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizens:



“Pakatatag ka lang baby may awa ang Panginoon di ka N’ya pababayaan.” Pahayag ng isang netizen.
“Ang sakit isipin paano n aang bata. Sana yung mag-aalaga sayo ituring kang anak talaga.” Komento naman ng isa.
“Kawawa ka naman baby ang aga mo naulila sana alagaan at mahalin ka ng mga kamag-anak mo, nawa’y gabayan ka ng mga magulang mo.” Sambit ng isa pang netizen.
“Sana mapunta sa mabait na kamag-anak na mag-aalaga sa kanya. God bless sa bata.” Turan naman ng isa pa.
“Nakakadurog naman ng puso, ang liit mo pa para mawalan ng mga magulang. Stay strong baby.” Pahayag ng isa pa.




error: Content is protected !!