Ivana Alawi sinorpresa ang kaniyang kapatid na si Hashim dahil sa binilhan niya ito ng sarili niyang lupa!



Pamilya ang isa sa pinakamagandang biyaya na matatanggap natin sa ating buhay. Hindi lahat ng tao ay mayroong pamilya na susuporta at magmamahal sa kanila kung kaya naman marami sa atin ang pinagpala na magkaroon ng mga taong magmamahal sa atin ng wagas tulad ng ating sariling pamilya.



Tayong mga Pilipino, nakasanayan na natin ang tumira sa isang bubong nang sama-sama. Lolo, lola, nanay, tatay, magkakapatid at maging mga apo ay tipikal na namumuhay sa isang bahay dito sa Pilipinas.

Sa ibang mga bansa, kapag tumungtong na sa wastong edad ang isang anak ay kinakailangan na nitong umalis ng kanilang bahay at bumukod ilang paghahanda sa sarili niyang pamilya. Ito ang nasa isipan ng sikat na vlogger at aktres na si Ivana Alawi nang regaluhan niya ang kaniyang kapatid na si Hashim ng sarili nitong lupa.



Nais ka ni Ivana at ng kaniyang ina na kahit pa mayroon na siyang sarili niyang pamilya ay malapit pa rin ito sa kanila. Tunay nga na marami ang naantig sa viral video na ito ni Ivana. Isa siya sa pinakasikat na celebrity vlogger sa ngayon kung kaya naman hindi na nakapagtatakang napakarami niyang mga endorsements at projects sa ngayon.


Maliban sa niregalo niyang lote sa kaniyang kapatid ay magpapagawa pa si Ivana ng bago nilang bahay kung saan lahat sila ay mayroong kaniya-kaniyang mga silid. Gulat na gulat naman si Hashim sa sopresang natanggap mula sa kaniyang kapatid.



Ayon sa naging pahayag ni Ivana at Mona sa paunang bahagi ng kanilang vlog, nais sana nilang regaluhan si Hashim ng bagong gadget o mamamahaling relo ngunit ayaw nito kung kaya naman naisipan na lamang nilang bilhan ito ng sarili niyang lupa. Talaga namang napakasarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng ganitong klaseng pamilya na mahal na mahal ang isa’t-isa.

Maaaring marami din silang pinagdaanang hirap at pagsubok sa buhay ngunit nananatili pa rin silang matatag at mahal ang isa’t-isa.




error: Content is protected !!