Rita Gaviola, ibang-iba na ang pamumuhay ngayon mula nang mag-viral ang kaniyang larawan apat na taon na ang nakakalipas!



Marahil ay marami pa rin sa atin ang nakakaalala kay Rita Gaviola o mas nakilala ng publiko bilang si “Badjao Girl”. Sinong mag-aakala na ang dating namamalimos lamang noon sa lansangan ay mabibigyan ng pambihirang pagkakataon na maging isang modelo?



Taong 2016 nang maging usap-usapan sa social media ang isang batang babae na nakuhanan ng isang photographer sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Napakasimpleng larawan, walang kahit anong make-up si Rita nang mga panahon na iyon.


Talagang napakainosente at napakasimple ng kaniyang mukha. Makikita mo kaagad ang angkin niyang kagandahan ngunit sa kabila ng kagandahang ito ay ang hirap, sakripisyo at kahirapang nararanasan niya.

Sa ngayon ay isa na siyang mahusay na modelo. Ang dating luma at tagpi-tagpi nilang tirahan ay napalitan na ng mas maayos at ligtas na bahay sa ngayon.


Kung noon ay isang kahig, isang tuka ang kaniyang pamilya, sa ngayon ay nakakakain na sila ng sapat at maayos. Ayon sa ilang mga ulat, nais maging isang guro ni Rita at sa ngayon ay pinagsasabay niya ang pagmomodelo at pag-aaral.



Nais niyang maging isang guro upang matulungan ang mga batang mahihirap na nais mag-aral at matuto. Tunay nga na mahirap ang buhay. Maraming mga problema at pagsubok na kailangan nating pagdaanan sa buhay na siyang magiging sandata natin at lakas upang makamit ang tagumpay na ating pinakaaasam-asam.

Tulad na lamang ng naging karanasan na ito ni Rita at ng kaniyang pamilya na una nang nakaranas ng kahirapan sa buhay. Sa ngayon ay mas ipinagpapasalamat nila ang maraming mga biyaya at pagpapalang natanggap nila hanggang sa ngayon.

Marahil ito ay hindi aksidente o nagkataon lamang. Dahil sa lahat ng kanilang mga pinagdaanan ay nararapat lamang na makaranas sila ng kaginhawahan sa buhay nila ngayon.



Kung kaya naman para sa maraming mga pamilyang nakakaranas ng hirap sa ngayon, huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil sa darating din ang araw na makakaahon tayo sa kahirapan.




error: Content is protected !!