Malaking gastos sa pagkuha ng driver’s license ibinahagi ng isang netizen!



Marami nang mga pangyayari sa ating mundo, sa ating kapaligiran ang talaga namang nararanasan natin sa araw-araw. Hindi na mabilang sa mga ito ang nagdulot sa atin ng labis na kalungkutan, paghihinagpis at takot.



Hindi lamang mga sakuna, kalamidad, delubyo ngunit maging pademya ay naranasan na natin sa pagpasok pa lamang ng taong 2020. Marami na din ang naapektuhan hindi lamang mga negosyo, kompanya, organisasyon kundi maging ang bawat isa sa atin.

Dahil sa mahihirap na mga sitwasyong ito ay marami na atin ang umaaray sa iba pang mga pasakit at dagdag problemang dumarating bago pa man matapos ang taon na ito. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Kiel Garcia ang ilang mga resibo at “breakdown” ng naging gastos niya nang mag-apply siyang muli nang kaniyang driver’s license.


Ang ilan sa mga naging gastos niya ay ang “theoretical drivin course” na 15 oras na seminar nagkakahalaga ito ng Php1,657, “medical” Php450 na mayroon pang karagdagang Php100 para sa type ng dugo ng aplikante, “student permit” Php318 at sa lahat ng kaniyang mga pinasang dokumento at iba pang mga kailangan ay gumastos na siya ng Php5,762. Dagdag pa ni Kiel ay sa “Land Transportation Office” pa mismo siya dumiretso upang makasigurado siyang hindi peke ang kaniyang mga makukuhang dokumento.

Hindi pa kasama sa kaniyang naging gastos ang pamasahe niya balikan at ang mga araw na pagliban niya sa trabaho para lamang maipasa ang lahat ng dapat ipasa upang makakuha na siya ng driver’s license. Batid ng publiko na ito ang tama, ang pagsunod sa batas.


Ngunit marami din ang hindi na napigilan pang magbigay ng kanilang sentimiyento dahil sa nararanasan nating hirap sa gitna ng pandemya ngayon. Marami ang nawalan ng trabaho, marami ang mayroong sakit, marami ang mahihirap at maraming mga Pilipino rin ang nangangailangan ng tulong.



Wala namang masama sa pagtataas ng presyong ito ngunit ayon sa ilang mga netizens ay itinataas rin naman sana ang kanilang sahod lalo na sa mga probinsiya. Marahil sa paraang ito ay makakahinga tayo kahit papaano sa paghihigpit ng sinturon na ating ginagawa dahil hindi rin naman biro ang mga bayarin, gastusin at matataas na bilihin ngayon sa bansa.




error: Content is protected !!