Nadine Samonte masayang namumuhay ng simple kapiling ang kaniyang pamilya!



Hindi madali ang mga responsibilidad ng isang asawa at ina. Maaaring simple lamang ito sa inyong paningin ngunit talagang kakailanganin mo ng matinding pagmamahal sa iyong puso upang magawa ang lahat ng mga bagay na kailangan mong gawin bilang isang ina at asawa sa iyong pamilya.



Maliban sa mga gawaing-bahay, pagtatrabaho, at iba pang mga pagsasakripisyo ay walang sawa rin silang umuunawa, sumusuporta at umaasikaso sa kanilang pamilya. Tunay ngang dakila ang mga kababaihan na siyang tumatayong ina at may bahay sa isang tahanan.


Hindi na nakapagtataka na kahit namumuhay ng simple ngayon si Nadine Samonte kasama ang kaniyang pamilya ay masayang-masaya at kuntento pa rin ito. Ayon sa naging Instagram post ng aktres, madalas siya ngayong maglaba, magplantsa at maglinis dahil sa mas nais niyang siya mismo ang gumagawa ng mga gawain na ito para sa kaniyang pamilya.


Ito rin diumano ang isa sa mga pangunahing dahilan niya kung bakit wala siya sa show business ng mga nakaraang taon. Bawat minuto kasi na kasama niya ang kaniyang pamilya ay masayang-masaya siya kung kaya naman ayaw niyang dumaan na lamang ang mga panahong ito sa kaniyang harapan.


Kung kaya naman isinantabi muna niya ang pagiging isang artista at nagpokus muna sa pag-aasikaso sa kaniyang pamilya. Marami ang nagulat na ang dating sikat at mahusay na aktres ay marunong na ng mga gawaing bahay at naieenjoy niya ang mga ito.



Maliban sa pagiging huwarang misis at ina ay inspirasyon din siya sa iba pang mga kababaihan dahil sa pambihirang diskarte nito sa buhay. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay nagbebenta na rin siya ng mga bagong ani nilang santol at mangga.

Mahilig din sa “dried fish” si Nadine kung kaya naman hindi na niya pinalagpas pa ang pagtitinda ng mga ito tulad na mula pa sa Masbate. Hindi rin diumano ito ikinakahiya ni Nadine dahil sa panahon ng pandemya sa ngayon ay mas mabuti na ang madiskarte kaysa naman ang walang gawin upang makadagdag kita sa pamilya.




error: Content is protected !!