Sanya Lopez, ipinasilip sa publiko ang napakagandang bahay na naipundar niya mula sa kaniyang pagsusumikap!



Sabi ng matatanda, napakasarap sa pakiramdam ang makamit mo ang bagay na pinakaaasam-asam mo dahil sa pinaghirapan mo ito. Kakaiba ang tagumpay na mararanasan mo lalo na kung alam mo sa iyong sarili na talagang nagpagal at nagsumikap ka upang maisakatuparan mo ang isa sa iyong mga pangarap.



Tulad na lamang halimbawa ng aktres na si Sanya Lopez. Si Shaira Lenn Osuna Roberto o mas nakilala ng publiko bilang si Sanya Lopez ay 24 na taong gulang na aktres, modelo, at commercial endorser. Talaga namang isa siya sa mga artistang mayroong maamo at magandang mukha sa industriya.


Mayroon din siyang pambihirang talento sa pag-arte kung kaya naman hindi na nakapagtatakang mabigyan siya ng maraming mga proyekto sa pelikula man o sa telebisyon. Dahil nga sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa buhay ay talaga namang nakapag-ipon siya ng husto dahilan upang makabili siya ng sarili nilang lote at mapatayuan niya ito ng bahay.


Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa publiko ang napakaelegante at napakaganda niyang tahanan. Naibahagi din ng Kapuso actress sa isa sa mga panayam sa kaniya ng “24 Oras” na nakatulong sa kaniya ng husto ang kaniyang pagtitipid.


Ayon sa aktres ay hindi siy amahilig lumabas o di kaya naman ay bumili ng mga mamahaling gamit tulad ng mga bag o sapatos. Bumibili lamang siya ng mga ito kung talagang kailangang kailangan niya sa trabaho.



Dagdag pa ni Sanya ay nakatulong din ang hindi niya paglalaan ng maraming oras pagdating sa pakikipagrelasyon. Dahil dito ay mas nakapagpokus siya sa pagtatrabaho at pag-iipon para sa pangarap nilang bahay.

At ngayon nga ay masayang-masaya na siya dahil sa natupad niya na ang isa sa matagal na niyang pinapangarap hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi maging sa kaniyang mahal na pamilya. Isang napakagandang inspirasyon nito para sa maraming mga Pilipino lalo na sa ating mga kababaihan at mga kabataan.




error: Content is protected !!