Ito pala ang buhay ni Ylona Garcia ngayon mula nang lumipad siya patungong Australia!



Si Ylona Jade Garcia o mas nakilala ng publiko bilang si Ylona Garcia ay 18 taong gulang na Filipino-Australian singer, actress at television personality. Hinangaan siya ng maraming mga Pilipino dahil sa napakaganda nitong personalidad, pag-uugali at pananaw sa buhay kahit pa noong nasa Pinoy Big Brother house pa siya kung saan siya dating housemate.



Ayon sa ilang mga ulat ay higit sa dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang lumipad ito patungong Australia upang makapiling ang kaniyang mga magulang na sina Peter Garcia at Caridad Navalle-Garcia. Nakapanayam na siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan ibinahagi niya ang mga naging karanasan niya ngayong malayo siya sa harapan ng kamera.


“Life has been pretty hectic amidst the pandemic and everything that’s basically going on in the world. For me, I think it’s all about perspective.” Pahayag ni Ylona.


“Living life in the limelight and living life out of that sort of bubble, it doesn’t make a difference to the goals I’ve set in my mind.” Dagdag pa niya.


Ibinahagi din ng singer na masayang masaya siya sa mga bagong karanasan niya sa ngayon dahil sa kahit noon pa man ay pangarap na talaga niya ang magtrabaho sa isang kilalang “fast-food restaurant”.


“Before entering the entertainment industry, I’ve always wanted to work at McDonald’s. Now that I have the chance and time, I just went for it and I’m learning a lot. I feel absolutely blessed and am very much grateful for their support.” Pagkukwento ni Ylona.

Ilan sa mga bagay na pinagkakaabalahan niya sa ngayon ay ang pag-aaral nito, pagpunta sa studio, pagtulong sa mga gawaing-bahay at ang pagiging isang service crew. Tunay ngang napakaraming mga netizens ang bumilib at namangha sa kaniya dahil sa mga bagay na ginagawa at nagagawa niya sa ngayon kahit pa isa na siyang sikat na artista sa Pilipinas.




Ang kaniyang pagsusumikap sa kaniyang pag-aaral, sa kaniyang karera at sa mga bagay na gusto pa niyang gawin sa buhay ay talaga namang kamangha-mangha.




error: Content is protected !!