Matandang lalaking nagtitinda ng lugaw hanggang hating-gabi, halos nasa 34 piso lamang ang kita sa loob ng isang araw!



Madalas nating marinig sa ibang tao na mahirap daw mabuhay lalo na sa ngayon. Sino nga naman ang masisiyahan sa matataas na mga bilihin, gasolina, gastusin at mga bayarin samantalang ang sweldo naman ng mga empleyado ay nanatili pa ring mababa at hindi sasapat na makabuhay ng isang pamilya.



Nakakalungkot man isipin ngunit kahit ano mang pagsusumikap at pagtitiyaga ng isang manggagawa ay tila ba habang buhay na lamang siyang kakayod at magbabanat ng buto para sa kaniyang sarili at sa kaniyang buong pamilya.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang matandang lalaki na ito dahil sa kabila ng edad niyang 78 taong gulang ay nagtitinda pa rin ito ng lugaw upang magkaroon ng panggastos niya sa araw-araw.


Ang netizen na nagbahagi ng kwento ng matandang lalaki sa social media ay nakilala sa pangalang Max Udomsak na mula sa Bangkok. Ayon sa kaniyang post, napansin niya noon ang matandang lalaki na nagtitinda mag-isa kahit pa hating-gabi na.


Wala na pala itong kasama sa buhay dahil sa dalawang taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang kaniyang asawa at dalawang mga anak. Tila ba nadurog ang puso ng maraming mga netizen ng malaman na mayroong mga araw na walang bumibili sa matanda kahit isa. Ang ibinebenta kasi nitong lugaw ay nasa halagang 34 pesos hanggang 40 pesos lamang kung may kasamang itlog.



Sa kabila ng matinding pagsusumikap niya sa buhay ay wala pa rin siyang maayos na masisilungan dahil sa nakatira lamang siya sa isang dating bahay na nasunog noon na nilagyan niya lamang ng trapal at tabing. Wala rin siyang maayos na palikuran at naliligo lamang siya sa isang banyo sa isang kalapit na abandonadong bahay malapit sa kinaroroonan ng tagpi tagpi niyang silong.

Dahil sa pagiging viral ng kwentong ito ng matandang lalaki ay maraming mga netizens ang nagnais na magpaabot ng tulong sa kaniya upang kahit papaano ay gumaan naman ang dalahin nito sa buhay.




error: Content is protected !!