GF binilhan ng isang tray ng balut ang kaniyang nobyo dahil sa mahilig itong kumain at mamulutan ng balut!



Marami sa ating mga Pilipino ang mahilig sa hayop. “Animal lover” o “pet lover” kung tawagin ng marami. Talaga namang nakakatuwang mag-alaga ng mga hayop dahil tila ba nagkaroon ka ng isang bago at matapat na kaibigan sa kanila.



Tulad na lamang halimbawa ng mga aso na “man’s bestfriend” kung ilarawan ng mga tao. Marami nang mga sitwasyon kung saan napatunayan nating matapat talaga ang mga aso sa kanilang mga amo.


Minsan nga ay kahit pa pumanaw na o di kaya naman ay inabandona na sila ay nananatili pa rin silang umaasa sa mga ito at naghihintay na balikan sila balang-araw. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang nakakatuwang post na ito ng netizen na nakilala bilang si “StephHew”.


Ibinahagi niya kasi sa kaniyang post ang kakaibang regalo niya sa kaniyang kasintahan. Nagsimula ang nakakatuwang kwento na ito nang bilhan siya ng kaniyang nobya ng isang tray na itlog!


Ayon sa kaniyang kasintahan ay mahilig kasi siyang kumain nito kung kaya naman binilhan niya ang nobyo ng isang tray ng balut na maaari niya ring gawing pulutan kapag nag-iinuman sila ng kaniyang mga barkada. Lumipas ang ilang mga araw at unti-unti na nga niyang naubos ang mga itlog na ito ngunit nagtabi siya ng dalawa sa itaas ng kaniyang “cabinet” sa kaniyang kwarto.



Ilang mga araw na rin ang nakalipas buhat ng ilagay niya ang dalawang balut dito. Minsan pa nga ay nakakarinig daw siya ng kakaibang ingay doon ngunit inakala niyang mga daga lamang ang mga iyon.

Lingid sa kaniyang kaalaman ay mayroon na palang sisiw na buhay mula sa balut na kaniyang itinabi. Nalungkot nga lang siya dahil ang isa sa mga itlog na ito ay nabugok na.

Ngunit inalagaan at tinulungan niyang mabuti ang natitirang itlog upang mabuhay ito. Nabuhay nga ito at pinangalanan niyang “Balut”. Madalas daw ay pinapayuhan niya ang kaniyang anak-anakan na huwag munang magnonobyo dahil sa bata pa ito.



Nairegalo na rin niya si Balut sa kaniyang nobyo na masayang-masaya naman sa bago nitong anak-anakan.

Source: FACEBOOK




error: Content is protected !!