Ibinenta ng tatay na ito ang kaniyang sasakyan para sa board exam ng kaniyang anak, dalawang taon ang nakalipas at binilhan ng anak ang kaniyang ama ng bagong sasakyan!



Walang ibang nais ang mga magulang kundi ang ikabubuti at ang magiging tagumpay ng kanilang mga anak. Hindi madali ang sakripisyo at paghihirap ng mga magulang para lamang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak.



Kung kaya naman kapag dumating na ang pagkakataon ng mga anak na makapagpasalamat sa kanilang mga magulang, tiyak na wala silang sasayanganin na pagkakataon. Katulad na lamang ng ginawang ito ng isang anak para sa kaniyang ama na minsang nagbenta ng pinakaiingatan nitong sasakyana para lamang magkaroon siya ng sapat na panggastos para sa kaniyang “board exam”.

Ang anak na ito ay nakilala bilang si Daniel Kristoffer Ocampo. Ayon sa kaniyang ibinahaging kwento sa social media ay kinailangang ibenta ng kaniyang mahal na ama ang 2005 Toyota Fortuner nito taong 2018 para sa kaniyang bar exam taong 2019.


Halos dalawang taon ang lumipas at niregaluhan ni Daniel ng isang bagong sasakyan ang kaniyang ama. “My dad sold his old Fortuner para may pangreview ako sa Bar Exam. Sabi ko palitan ko na lang pag abogado na ko. Hehe. So, eto na … Enjoy and advance happy birthday!” Pahayag ni Atty. Daniel.


Ang regalo niyang ito sa kaniyang ama ay hindi lamang katuparan ng kaniyang naging pangako dalawang taon na ang nakararaan kundi regalo na rin para sa ika-64 na kaarawan ng kaniyang ama. Ayon pa sa pagbabahagi ng 28 taong gulang na abogado, noon lamang niya nakitang ganoong kasaya ang kaniyang magulang.

Inuna niyang bilhin at ipundar ang sasakyan na ito mula sa kaniyang mga ipon dahil sa batid niyang labis na kaligayahan ang maidudulot nito sa kaniyang mga magulang. Paglilinaw naman ni Atty. Daniel, hindi niya “cash” nabili ang sasakyan na ito dahil sa downpayment pa lamang ang kaniyang naibabayad dito.



Sa ngayon ay patuloy pa rin siyang nag-iipon at nagsusumikap sa buhay upang matupad ang kaniyang mga pangarap hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi maging sa kaniyang mga magulang na walang sawang nagmahal, nag-alaga, at sumuporta sa kaniya noon pa man.




error: Content is protected !!