Google PH ipinaliwanag kung anong mangyayari sa mga YouTube channel nina Emman Nimedez at Lloyd Cadena!



Ibang iba na talaga ang panahon natin sa ngayon. Kung dati rati ay sanay tayong walang internet, social media at mga gadget, ngayon ay tila ba hindi na kumpleto ang ating araw kung hindi natin mahahawakan ang ating mga gadget upang maglaro, manuod, magbasa o mag-check ng mga social media accounts natin.



Hindi na rin nakapagtataka na maging patok sa publiko ang mga video blogs sa ngayon o vlogs kung tawagin ng nakararami. Ilan nga sa mga sikat na personalidad na kilalan natin tulad ng mga aktor, aktres, mga singer, at mga dancer ay sinusubok na rin ang industriyang ito.

Isa sa mga pinakasikat na vlogger sa Pilipinas sina Emman Nimedez at Lloyd Cadena. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay pumanaw sila ng maaga.


Si Emmanuel Luis Nimedez o mas nakilala ng mga netizens bilang si Emman Nimedez ay 21 taong gulang na Pinoy YouTuber, direktor, aktor, at filmmaker. Nakilala siya sa paggawa niya ng mga covers at parody videos.

Ngunit nitong Agosto 16, 2020 ay binawian siya ng buhay matapos makipaglaban sa sakit na “acute myeloid leukemia”. Talagang marami ang nabigla at nagdalamhati sa kaniyang maagang pagkawala.
Habang si Lloyd Cafe Cadena naman ay isang 26 taong gulang na Pinoy vlogger, radio personality, at manunulat. Isa rin siya sa pinakahinahangaang YouTubers sa Pilipinas.


Sa katunayan ay mayroon nang higit sa 5.29 million subscribers nang ito’y sumakabilang-buhay dahil sa atake sa puso at kalaunang nagpositibo sa sakit na COVID-19. Kamakailan lamang ay ibinahagi sa publiko ng Google PH ang maaaring mangyari sa mga YouTube channel nila ngayong wala na silang dalawa.



Ayon kay Gabby Roxas ng Google Philippines, maaaring lumapit ang mga mahal sa buhay nina Emman at Lloyd upang ma-access nila ang channels na ito.

“They were creators that are very close to our hearts. It still affects me personally. The loved ones have the option they can request, they can go to the help center to access the account,” Pahayag ni Roxas.

Maaari din namang sundin ng Google ang nakalagay sa “Inactive Account Manager” feature ng mga YouTube channel ng dalawang vloggers. Kung nanaisin rin ng kanilang mga pamilyang isarado na lamang ang channel ng mga namayapang vloggers ay maaari din namang gawin ito ng Google.




error: Content is protected !!