Dating Miss Universe 1993 Dayanara Torres nakaranas ng mabigat na pagsubok sa buhay niya ngayon!



Madalas nating marinig mula sa ibang tao na hindi natin dapat husgahan ang isang indibidwal lalo na kung hindi naman natin siya lubusang kilala o hindi naman talaga natin alam ang kaniyang pinagdaraanan. Bawat isa kasi sa atin ay mayroong kaniya kaniya nating mga suliranin at dalahin sa buhay kung kaya naman hindi tayo dapat basta basta humuhusga patungkol sa ibang tao.


Tunay nga na hindi natin malalaman ang pagsubok na kinakaharap ng isang tao kung hindi ito manggagaling sa kaniya o sa kaniyang mga mahal sa buhay. Kamakailan lamang ay ikinagulat ng publiko ang patungkol sa naging pahayag ng dating sikat na beauty queen at aktres na si Miss Universe 1993 Dayanara Torres na kasalukuyan niya ngayong nilalaban ang isang malubhang sakit na dumapo sa kaniya.




Mayroon kasi siya ngayong matinding sakit sa balat na nangangailangan ng matinding gamutan. Kahit pa nga kanser sa balat ang kaniyang karamdaman sa ngayon ay nananatili pa rin siyang positibo sa buhay dahil na rin sa mga taong sumusuporta sa kaniya at lalo na sa kaniyang dalawang mga anak.

Ayon pa sa naging pahayag niya sa isa sa mga naging panayam sa kaniya, itinaas at ipinaubaya na niya sa Diyos ang lahat lahat kung kaya naman mas magaan ang kalooban niya sa ngayon. Mas matatag na siya sa ngayon kaysa dati dahil sa matinding pagsubok na ito sa kaniyang buhay.


Maaalalang nanirahan siya dati sa Pilipinas dahil na rin sa pagkabighani at paghangang naramdaman niya sa ating bansa. Naging aktres din siya at modelo kung saan nabigyan siya ng ilang mga proyekto at oportunidad sa industriya ng show business.


Isa sa mga nakatambal niya ang matinee idol at mahusay na aktor na si Aga Muchlach. Nakarelasyon niya rin ito ng halos apat na taon. Mahal na mahal siya ng maraming mga Pilipino kahit pa isa siyang Puerto Rican. Sinong mag-aakala na makalipas ang ilang mga taon ay mararanasan niya ang napakahirap na yugtong ito ng kaniyang buhay?


Ang nunal na hindi niya binigyang-pansin noon ay magiging sanhi pala ng isang matinding sakit sa balat. Kung kaya naman pinayuhan niya rin ang marami na mahalin at pangalagaan ang kanilang mga kalusugan.

Kapag mayroon nang kakaibang nararamdaman ay agad nang magpakonsulta sa doktor.






error: Content is protected !!