Driver, walastik ang talento sa pagmamaneobra ng kaniyang puting sasakyan!



Isa na marahil sa mga kapaki-pakinabang na bagay na maaari nating maipundar ay bahay at lote, sasakyan at ilang mga negosyo. Tunay nga na napakalaking bagay sa panahon natin ngayon ang pagkakaroon ng sarili nating sasakyan lalo na sa panahon ng pandemya kung saan napakadelikado at nakakatakot na sumakay sa mga pampublikong sasakyan.



Ngunit isang malaking suliranin din para sa mga taong may naipundar nang sasakyan ang lugar kung saan ito ilalagak lalo na kung wala pa silang naipupundar na maayos na bahay at lupa. Kahit pa nga sa pag-alis natin sa araw-araw, pagpunta sa mga mall, pagpasok sa trabaho, o kahit pagdalaw sa ating mga kaibigan napakahirap makahanap ng tama at ligtas na lugar na maaari nating pagparadahan.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang video na ito ng isang puting sasakyan na tila ba nakaparada sa isang alanganing pwesto. Maraming mga netizens ang hindi akalain na posible palang mangyari ito.
Ngunit tila ba napakahusay ng driver ng puting sasakyan na walang takot at walang sablay na nagmaniobra ng sasakyan na tila ba napasimple lamang para sa kaniya. Habang sinusulat ang artikulong ito ay mayroon nang 592 na mga komento, 2.1K na mga shares, at 1 milyong views ang naturang video.


Ayon sa ilang mga netizens ay kuha sa India ang viral video na ito. Talaga namang napakarami ang napanganga at labis na humanga sa pambihirang talento ng naturang driver.

Mayroong ilang mga nagkomento kung paano nga kaya nagawang pumarada ng sasakyan na iyon sa napakalimitadong espasyo, mapanganib at alanganing lugar. Kapansin-pansin din ang ilang mga usiserong hindi magkamayaw sa pagsilip sa ginawang pagparada ng madiskarteng driver na ito.



Sa panahon natin ngayon na napakarami nang mga pambihirang bagay na nadidiskubre, sari-saring mga kalamidad at sakuna na nagaganap, nakakatuwa pa ring makakita ng mga ganitong klase ng video na kahit sa ilang segundo lamang ay nalimutan nating mayroon tayong kinakaharap na mga pagsubok at suliranin sa araw-araw.




error: Content is protected !!