Naaalala niyo pa ba ang batang bumida sa Miracle in Cell No. 7? Ganap na siyang dalaga sa ngayon!



Tiyak na marami ang naluha noon sa Miracle in Cell No. 7 na nauna nang ipinalabas taong 2013. Halos nasa $80 milyong dolyar din ang kinita ng box office hit na ito.


Ang kwento na ito ay patungkol sa mga Korean prisoner na nagtulong-tulong upang maprotektahan ang isang napagbintangan na “mentally challenged” na lalaki at ang batang babaeng anak na ito. Masaya at payapa silang magkasama sa kabila ng kapansanan ng kaniyang ama.




Ngunit hindi nila akalaing mapagbibintangan ang kaniyang ama na pumaslang at gumahasa sa isang bata. Nasawi ang bidang lalaki kahit wala siyang kasalanan ngunit maraming mga taon man ang lumipas ay nagsumikap pa rin ang kaniyang anak na babaeng maging isang abogado at mapatunayang walang kasalanan ang kaniyang ama.


Tunay nga na tumatak sa puso ng maraming mga Pilipino ang mga karakter na ito nina Ryu Seung-ryon (Yong Goo) at Kal So-won (Ye-seung). Ang 49 taong gulang na si Ryu Seung-ryon ay nabigyan pa ng maraming mga proyekto dahil sa pambihirang husay niya sa pag-arte tulad na lamang halimbawa ng “Kingdom”, “Extreme Job”, “Psychokinesis”, at marami pang iba.



Samantala si Kal So-won naman ay ganap nang dalaga. Gumanap siya noon bilang batang bida sa “The Legend of the Blue Sea” (2016) at “Korean Odyssey” (2017). Sa ngayon ay 14 na taong gulang na siya. Marami ang nasorpresa dahil sa talaga namang napakaganda niya pa rin at dalagang dalaga na siya.


Hindi lamang siyang mahusay na aktres kundi talagang napakaganda niya ring dalaga. Hindi na nga nakapagtatakang mas marami pa ang humahanga sa kaniya mas lalo na ngayon.



Ang mahusay na aktres na ito ay hawak na ngayon ng YG Entertainment at kasalukuyan pa ring aktibo sa harapan ng kamera. Mas marami pa ngang mga Pilipino ang nag-aabang ng mga gagawin pa niyang proyekto sa telebisyon at maging sa pelikula.




error: Content is protected !!