Mag-aaral nagtitinda ng isda at pumapasok ng iba pang mga trabaho para lamang matupad ang kaniyang pangarap na maging isang guro!



Napakahirap ng buhay lalo na sa ngayon at tiyak na maraming Pilipino ang magsasabing totoo ito. Bukod sa napakamahal na mga bilihin at sandamakmak na mga bayarin, ay napakaliit din ng sahod ng marami sa atin.

Sa kabila ng kahirapan sa buhay na nararanasan natin ay mas marami pa rin talaga ang nagsusumikap na matupad ang pangarap nilang makapagtapos ng pag-aaral. Halimbawa na lamang ang isang mag-aaral na ito na mula sa siyudad ng Escalante na mayroong pambihirang dedikasyon at pagtitiyaga para lamang makamit niya ang kaniyang pangarap na maging isang ganap na guro.



Siya ay si Kevin Gayoso na nag-aaral sa “University of St. La Salle” sa Bacolod City. Halos dalawang oras ang kaniyang binabiyahe mula sa kanilang tahanan patungo sa kaniyang unibersidad.


Hindi man mayaman ang kaniyang pamilya ay hindi ito naging hadlang upang pangarapin niyang maging isang “Sports Teacher”. Siya ay nagtitinda ng mga isda, alimango, hipon at damong-dagat.

Maliban pa rito ay may mga kakaibang bagay pa siyang pinagkakakitaan. Maging sa iba pang social media platform ay ibinabahagi ni Kevin ang kaniyang mga ginagawang pagtitinda upang mas mahikayat niyang bumili ang kaniyang mga kaklase at kaibigan ng kaniyang mga paninda na magiging malaking tulong para sa kaniyang pag-aaral.


Tunay nga na maraming mga netizens ang humanga at labis na bumilib sa kaniya dahil sa hindi naman talaga biro ang mga mahihirap na sitwasyong kailangan mong pagdaanan para lamang sa wakas ay makamit mo ang matagal mo nang pinapangarap. Nagsilbi rin siyang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino na maaaring maraming maging hadlang sa buhay natin sa araw-araw, ngunit napakalaking bagay ang hindi mo pagsuko at ang patuloy na paglaban ano mang suliranin ang ating kaharapin sa buhay.



Hindi na imposibleng matupad ang pangarap ni Kevin na maging isang Sports teacher dahil sa kaniyang determinasyon at kasipagan ay tiyak na mas marami pa siyang makakamit na tagumpay.




error: Content is protected !!