Isang 25 taong gulang na netizen nakapagpundar na ng sarili niyang bahay at lupa kahit pa pinagsabay ang pagtatrabaho at pag-aaral!



Marami sa mga kabataang Pilipino sa ngayon ang hirap na makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Isa sa mga kadahilanan ay ang labis na kahirapan natin ngayon, matataas na mga gastusin at mababang sahod ng maraming mga manggagawa.



Ngunit sa kabila ng maraming mga pagsubok at paghihirap ay nagsusumikap pa rin ang marami sa ating makapagtapos sa kolehiyo. Mayroong mga nagtatrabaho muna at saka nag-iipon ng kanilang pang-kolehiyo habang ang iba naman ay pinagsasabay ang pag-aaral nila at pagtatrabaho ng “part time”.


Ngunit sinong mag-aakala na maaari mo pa rin palang matupad ang iyong pangarap habang pinagsasabay mo ang pagtatrabaho at pag-aaral? Tulad na lamang ng isang netizen na ito na marami ang pinahanga at pinabilib sa social media.

Siya ay nakilala ng publiko bilang si Sam Blanca, sa edad na 25 taong gulang pa lamang ay nakapagpundar na siya ng sarili niyang lote at nakapagpagawa na siya ng sarili niyang bahay! Ayon sa ilang mga ulat ay nag-aaral noon si Sam habang nagtatrabaho siya sa isang BPO Company.


Ilang taon lamang ang nakalipas at nabili na nga niya ang pinapangarap niyang lote at nakapagpagawa na rin siya ng bahay para sa kaniyang pamilya. Payo niya sa maraming mga Pilipinong nagnanais ding makapagpundar ng sarili nilang tahanan, mas mabuting magsumikap upang makamtan ang mga pangarap sa buhay.



Kung ano man siya sa ngayon ay bunga ito ng naging mga karanasan niya noon. At kung ano man ang iyong kinabukasan ay produkto ng iyong mga karanasan sa ngayon.

Wala din daw imposible kung mayroon tayong disiplina sa ating mga sarili at kung mayroon tayong matatag na pananampalataya sa Diyos. Dahil kung uunahin mo Siya ay tiyak na gagabayan ka Niya sa tamang landas mo patungo sa katagumpayan.

Maraming mga netizens ang napa-sana all at nagbahagi ng kanilang mga komento at reaksyon patungkol sa nakakabilib na tagumpay na ito ni Sam.






error: Content is protected !!