Netizens napa-wow sa napakagandang mga halaman ni Jinkee Pacquiao na ibinahagi nito sa social media!



Nitong nagdaang mga buwan ay nakahiligan ng maraming mga netizens ang pag-aalaga at pangongolekta ng mga halaman at iba pang mga pananim. Mas maraming mga Pilipino, lalaki man o babae ang nagkaroon ng interes sa iba’t-ibang klase ng mga halaman.



Madalas ang tawag sa kanila ay mga “plantito” at “plantita”. Sari-saring mga larawan at video ang ibinabahagi sa social media araw-araw ng mga taong nahihilig sa paghahalaman.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging social media post ni Jinkee Pacquiao. Bukod kasi sa napakagandang awra nito ay hindi rin nakaligtas sa maraming mga netizens ang pagiging “certified plantita” nito.


Napakarami niyang mga halaman sa kanilang tahanan at talaga namang kapansin-pansin na mamahalin o “yayamanin” ang mga ito.


“When you woke up this morning, God gave you a gift called ‘today.’ Always remember how precious this gift is because you can never get back the time that has gone by,” Caption ni Jinkee sa kaniyang viral post.
Hindi na tuloy naawat pa ang mga netizens na magkomento sa post na ito ng sikat na celebrity. Talaga namang napakaganda ng kaniyang mga larawan at mga halaman.

Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:
“Wow! Very relaxing and soothing to the eye pictures… love it madam…” Pahayag ng isang netizen.



“Mabuti na lang nakakaintindi si Pacquiao dahil alam niya kung masaya ang asawa niya masaya rin sya. May pambili sila so why not? Nagkasama sila sa hirap at ginhawa. Sinuportahan nya ang asawa sa mga tinahak sa boxing at tinatahak sa buhay. Ano man gawin nila, buhay nila ‘yan.” Komento pa ng isa.

“It’s beautiful but not really expensive! I have the same kind of plant but smaller. It shouldn’t really be a subject of so many negative comments. Let’s strive to keep the peace! Sobrang dami na nating problema sa mundo,” Turan naman ng isa pang netizen.




error: Content is protected !!