Isang matandang babae matiyaga pa ring naglalako ng puto para suportahan ang mga apo niyang iniwanan sa kaniya ng kaniyang anak!



Marami sa ating mga Pilipino ang lumaki sa poder ng ating mga lolo at lola. Madalas kasi ay nagtatrabaho ang ating mga magulang at palaging wala sila sa ating tahanan upang tayo ay maalagaan.

Buti na lamang at naririyan ang ating mga mahal na lolo at lola na sa kabila ng kanilang matandang edad ay nagagawa pa rin tayong alagaan at suportahan. Hindi na nakapagtatakang malambot ang puso natin sa mga matatanda.



Kamakailan lamang ay naantig ng isang matandang babae ang maraming mga netizens dahil sa paglalaki nito ng puto sa gitna ng pandemya. Ayon sa isang netizen na hindi na nakilala ang pagkakakilanlan, nakasalubong niya ang isang matandang babae na hirap na sa paglalakad dahil sa mahirap na sitwasyon ng kaniyang likuran ngunit nagulat siya ng makitang naglalako pa pala talaga ito ng mga plastik ng puto.

Tuwing madaling araw ito nagtitinda ng kaniyang mga puto sa daan, hindi alintana ang panganib sa araw-araw lalo na ang sakit na COVID-19. Kinakailangan niya kasi itong gawin dahil mayroon siyang dalawang apo na umaasa sa kaniya.




Iniwanan kasi ng kaniyang anak sa kaniyang pangangalaga ang dalawang mga anak nito. Upang mayroong panggastos sa kaniyang mga alagang apo ay nagtitinda na lamang ang matandang babae ng puto.

Binigyan naman ng taong kumuha ng larawan ng maliit na halaga ang matanda, umaasa siyang sa pagbabahagi ng mga larawang ito ay mas maraming mga tao ang magnanais na tumulong sa kaniya dahil sa kaniyang edad ay dapat na siyang magretiro sa paghahanap-buhay. Tunay nga na hindi mahalaga kung magkano o anong klase ng tulong ang maibibigay natin sa kapwa nating nangangailangan.

Ang importante ay nakagawa tayo ng isang magandang bagay upang kahit papaano ay maging maganda ang kanilang araw at makadagdag man lamang sa maliit nilang kinita. Wala talagang papantay sa wagas na pagmamahal ng ating mga lolo at lola sa atin, hindi ba?




error: Content is protected !!