Dra. Vicki Belo umani ng maraming komento sa social media dahil sa kaniyang viral TikTok video!



Si Maria Victoria Gonzalez Belo-Kho o mas nakilala ng publiko bilang si Dra. Vicki Belo ay 64 na taong gulang na dermatologist at television personality. Siya rin ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group.

Siya ay ikinasal sa kaniyang mister na si Dr. Hayden Kho, 40 taong gulang noong taong 2017 sa isang enggrandeng kasalang ginanap sa Paris. Sa ngayon ay mayroon silang isang anak, si Scarlet Snow Belo.

Isa si Dra. Vicki sa pinakamahusay na doktor sa Pilipinas kung kaya naman hindi na rin nakapagtatakang tinagurian siyang “Doctor to the Stars”. Itinuturing kasi siyang tagapanguna sa skincare, laser, at liposuction industry sa bansa. Lingid sa kaalaman ng marami, ayon sa ilang mga ulat ay ipinaampon pala siya ng kaniyang ina sa kapatid nito dahil noong kaniyang kabataan ay mataba siya at panget.



Marahil ito ang naging isa sa kaniyang mga dahilan kung bakit siya naging isang doktor. Ngunit sa kabila ng masakit na pangyayaring ito ay naging matagumpay pa rin siyang doktor at sa ngayon ay masaya nang namumuhay kapiling ang kaniyang pamilya.


Kamakailan nga lamang ay naging patok sa social media ang isa sa kaniyang mga TikTok videos. Ipinamalas niya kasi rito ang tinatago niyang galing sa pagsayaw at pag-indak.
Sumayaw siya sa saliw ng tugtog na “Señorita” ng Australian disc jockey na si Noiz. Nilagyan niya ito ng caption na “It’s important not only to look young, but to move young.”

Dagdag pa ng sikat na doktora ay nakakatulong ang pagsayaw upang mapanatili niyang flexible, coordinated, at healthy ang kaniyang sarili. Cardio na rin ito na mayroon pang kasamang kasiyahan.

Umani ito ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens. Nagsilbi siyang magandang inspirasyon sa maraming mga kababaihan dahil sa kabila ng kaniyang edad ay napapanatili pa rin niya ang kaniyang balingkinitang pangangatawan at mabuting kalusugan.




error: Content is protected !!