Netizens napa-wow sa 57-anyos na lola na ito na hindi lamang sexy dahil napakagaling ding sumayaw!



Pangarap ng maraming kababaihan ang maalagaan ang kanilang pangangatawan lalo na ang kanilang kalusugan hanggang sa kanilang pagtanda. Ngunit marami sa atin ang nahihirapang gawin o panatilihin ito.

Marahil ay masyadong abala ang maraming mga kababaihan sa kanilang mga trabaho at sa pag-aasikaso sa kanilang pamilya. Hindi na nakapagtatakang labis na namangha at bumilib ang publiko sa lola na ito na kahit 57 taong gulang na ay kayang-kaya pa ring umindak at sumayaw na tila ba nasa kaniya pang kabataan.

Sinong mag-aakala na ang TikTok ay hindi lamang para sa mga millennials ngayon? Ang pambihirang lola na ito ay nakilala ng publiko sa pangalang Teresita Benito Embuscado.

Sa ngayon ay mayroon nang libo-libong views ang kaniyang TikTok videos. Ilan sa kaniyang mga pumatok na “dance challenge” ay ang “Chinita Girl”, “Tala”, “I wanna dance with somebody”, at marami pang iba.




Hindi lamang ang kaniyang husay sa pagsayaw at pag-indak ang labis na hinangaan ng maraming mga netizens dahil sa talaga namang kapansin-pansin din ang maganda niyang pangangatawan. Kahit pa nga malapit na siyang mag-60 taong gulang ay makikita pa rin ang pagiging balingkinitan ng kaniyang katawan na talaga namang alagang-alaga.

Hindi lamang sa ehersisyo kundi maging sa pagdidyeta at maingat din ang TikTokerist na ito. Narito nga ang ilang mga komento ng netizens sa kaniyang viral TikTok videos:

“She looks amazing at her age and she’s so beautiful and the body, wow! Keep it up so proud of u!” Pahayag ng isang netizen.

“Malabo na yata ang mata ko kasi hindi naman lola ang tingin ko sa kanya ang galing sumayaw eh hindi tulad ng iba mahalay tingnan kapag ganyan ang sayaw.” Komento naman ng isa pa.

“Ang galing galing nyo po madam hindi po halatang lola na kayo. I wish I can be like you if ever I’m in your age na! God bless po and keep it up …we are so proud of you!” Turan naman ng isa pang netizen.




error: Content is protected !!