Anak ng mag-asawang “parking attendant” nagsilbing inspirasyon sa publiko dahil sa pagpapahalaga nito sa edukasyon!



Sa panahon natin ngayon, tiyak na m arami sa atin ang patuloy na nakararanas ng hirap ng buhay. Ngunit sa kabila ng paghihirap at pagsasakripisyo natin sa araw-araw ay hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay makakaahon tayo sa kahirapan.

Kamakailan lamang ay nagsilbing inspirasyon sa publiko ang batang ito matapos maibahagi sa social media ang kaniyang larawan kung saan makikita siyang nag-aaral ng kaniyang mga leksyon sa ilalim ng puno ng Acacia. Ayon sa naging post ng netizen na si Jefferyl Kae Pandac, nagsilbing inspirasyon sa kaniya ang batang ito kung kaya naman tinanong niya sa guwardiya kung sino siya.

Agad namang sinabi ng guwardiya na anak pala siya ng mag-asawang “parking attendant” sa gusaling pinagtatrabahuhan niya. Pambihira ang pagpapahalaga ng batang ito sa edukasyon kung kaya naman kahit na sa simpleng paraan niya na ito ay naipapakita niya sa marami na hindi dapat natin kalimutan kung gaano nga ba talaga kahalaga ang edukasyon lalo na sa mga kabataang Pilipino.

Dalangin din ng netizen na maging matagumpay ang batang ito balang-araw. Marahil marami sa atin ang sabik na sabik nang bumalik sa dati nating buhay. Kung dati rati ay masaya tayong pumapasok sa eskwela na walang kahit anong inaalala, ngayon ay hindi na natin ito basta basta pa maaaring gawin dahil sa pandemyang halos pitong buwan na rin nating nararanasan.



Sa ngayon ay wala tayong ibang magagawa kundi makuntento na lamang sa mga pamamaraang kayang nating gawin upang kahit papaano ay maipagpatuloy pa rin natin ang ating buhay hanggang sa bumalik na paunti-unti ang lahat sa dati. Marahil sa pagdating ng araw na iyon ay mas papahalagahan na natin ang maraming mga bagay na dati ay hindi natin nabibigyan ng halaga.


Kung kaya naman habang may panahon pa, hindi sana natin malimutan na napakasarap mag-aral lalo na kung nasa puso natin ito. Bandang huli, hindi naman ito para sa ating mga magulang kundi para sa ating kinabukasan.




error: Content is protected !!