John Lloyd nahanap na nga ba ang babaeng muling magpapatibok ng kaniyang puso?



Si John Lloyd Espidol Cruz o mas nakilala ng publiko bilang si John Lloyd Cruz ay 37 taong gulang na aktor, modelo, at host. Isa siya sa pinakahinahangaang aktor dahil sa angkin niyang kagwapuhan at napakahusay na talento sa pag-arte.

Napakarami na ring mga kababaihan ang na-link sa kaniya, ilan pa nga sa mga ito ay nakarelasyon na rin niya. Ngunit hindi inaasahan ng publiko na magagawa pala niyang iwanan ang pag-arte upang mamuhay ng simple at masaya kapiling ng kaniyang minamahal.

Ilang taon na rin pala ang nakalilipas buhat ng magdesisyon ang aktor na si John Lloyd Cruz na lisanin ang mundo ng show business. Marami sa kaniyang mga tagahanga ang labis na nabigla at nalungkot sa pangyayaring ito ngunit muli silang nagagalak nang malamang nagbunga pala ang relasyon nila ng isa pang sikat na aktres na si Ellen Adarna.



Ang kanilang anak ay pinangalanan nilang Elias Modesto. Tumagal din ng halos dalawang taon ang kanilang relasyon ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nauwi rin ito sa paghihiwalayan.
Sa ngayon ay “co-parenting” na lamang ang relasyon ng dalawa para sa kapakanan ng kanilang anak na si Elias. Sadyang napakabilis ng panahon dahil sa isang taon na rin pala ang nakalilipas mula ng maghiwalay silang dalawa.


Kung kaya naman sari-saring balita na ang lumalabas patungkol sa diumano ay isang babaeng palaging kasama ng aktor. Ayon sa ilang mga ulat ay ito na ang bagong babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso.

Ang magandang babae na ito ay isa palang Cebuana. Nakilala siya sa pangalang Jet Lee na katulad ni John Lloyd ay mahilig din sa pagmomotor.

Napakaraming naging komento ng mga netizens patungkol sa mga larawan ng dalawa na kumakalat sa social media. Mayroong ilan na talagang suportado ang bagong pag-ibig ng aktor habang ang iba naman ay nanghihinayang sa relasyon nila ni Ellen Adarna.

Dahil nga mayroong anak ang dalawa, marami pa rin ang umaasang magkakabalikan pa sila upang buuin ang kanilang pamilya. Si Jet Lee na nga kaya ang babaeng muling magbibigay ng kulay sa buhay ng isang John Lloyd Cruz?




error: Content is protected !!