Lalaking nag-aaral ng leksyon habang nagtitinda ng balut, pinahanga ang publiko sa kaniyang kasipagan a at determinasyon!



Isang lalaking nagtitinda ng balut ang usap-usapan ngayon ng publiko dahil hindi nito alintana ang hirap ng kaniyang kalagayan, makapag-aral lamang ng kaniyang leksyon. Usap-usap ngayon sa social media ang lalaking ito na nakuhanan ng larawan malapit sa isang kilalang convenience store sa Victorias City, Negros Occidental.

Ang netizen na si Vanessa Belonio mismo ang nakakita sa pambihirang kasipagan ng “balut vendor” na ito. Kapansin-pansin din na hindi ganoon kaayos ang liwanag kung saan nakapwesto ang tinderong ito kung kaya naman tiyak na nahihirapan din siyang magbasa ng kaniyang mga “modules” sa lugar na iyon.

Nakatayo rin ito at tila naghihintay ng kostumer na bibili ng kaniyang paninda.

“I felt his urge to pursue his studies despite the situation he’s in. I was inspired at the same time, because I am also a student. I believe God will bless him more because of his dedication and I wish he reaches his goals in life,” Pahayag ni Vanessa sa kaniyang post.



Napakarami ding mga netizens ang namangha sa ginawang ito ng “balut vendor”. Tunay nga na marami sa atin ang hindi pinalad sa buhay.


Pahirapan kung makakapagtapos ng pag-aaral o hindi dahil na rin sa hirap ng buhay. Kung kahit pa nga maraming hadlang o di kaya naman ay maraming alinlangan sa buhay nating ito ay nananatili pa rin ang positibo nating pananaw na magiging dahilan upang magtagumpay tayo sa buhay.

Marami namang maaaring gawin upang makamit ang pangarap sa buhay. Hindi magiging madali ang lahat ng posible nating pagdaanan ngunit napakasarap sa pakiramdam kung pinaghirapan mo ng husto ang mga bawat tagumpay na iyong makakamit sa buhay hindi ba?

Hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng ganitong klase ng pagsusumikap at determinasyon sa buhay kung kaya naman talagang nakakatuwa na hanggang sa ngayon pala ay mayroon pa ring iilan na nagsusumikap sa buhay sa kabila ng kahirapan tulad na lamang ng “balut vendor” na ito.




error: Content is protected !!