Pinoy celebrity proposals na naganap sa gitna ng community quarantine, alamin!



Sabi ng matatanda, ang pag-aasawa raw ay hindi parang mainit na kanin na iyong isusubo at kapag ikaw ay napaso ay agad agad mong iluluwa. Batid naman ng marami sa atin na walang diborsyo sa Pilipinas habang napakamahal at napakatagal naman ng “annulment”.

Kung kaya naman nararapat lamang na maging sigurado ka lalo na sa taong papakasalan mo. Ngunit kahit pala gaano kahirap ang buhay may-asawa, marami pa rin ang mayroong positibong pananaw patungkol dito.



Hindi na rin nakapagtataka na sa gitna ng pandemyang ating nararanasan, marami pa rin ang nagdedesisyong magpakasal. Ilan nga sa mga ito ay mga kilalang personalidad sa bansa na hindi magpapapigil kahit pa sa gitna ng “community quarantine”, makuha lamang ang matamis na “oo” ng kanilang sinisinta. Narito ang ilan sa kanila:

1. RITZ AZUL at ALLAN GUWI


Hunyo 2020 nang mag-propose ang non-showbiz boyfriend ni Ritz Azul sa kaniya sa isang farm sa Batangas. Dapat sana ay sa Switzerland niya gagawin ito ngunit dahil sa pandemya ay ginawa na lamang ito ni Allan dito sa Pilipinas. Talaga namang kilig na kilig ang publiko dahil sa wakas ay engaged na si Ritz sa kaniyang “first and last boyfriend”.



2. DJ Mo Twister at ANGELICOPTER



Si DJ Mo Twister o si Mohan Gumatay sa totoong buhay ay 42 taoang gulang na radio DJ, host, at photographer. Kilalang kilala siya ng maraming mga Pilipino ngunit sa ngayon ay sa Las Vegas na siya naninirahan. Nag-propose siya nito lamang Mayo sa kaniyang longtime partner na si Angelica Schmeing sa pamamagitan ng kaniyang live radio show podcast kung saan niya itinanong sa huli kung payag ba itong magpakasal sa kaniya.

3. LAURA LEHMANN at VON PESSUMAL


Mayo rin ng taong ito nang kumpirmahin ni Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann ang nalalapit nilang pagpapakasal ng kaniyang longtime partner na si Von Pessumal na manlalaro ng San Miguel Beermen. Ayon sa kaniyang social media post ay “locked down forever” na sila sa isa’t-isa.
4. NIKKO RAMOS at BEA FABREGAS

Tinawag namang “home quarantine proposal” ang naging engagement nina Magic 89.9 DJ na si Bea Fabregas sa kaniyang nobyong si Nikko Ramos. Si Nikko ay editor-in-chief ng Slam Magazine.

5. MARK HERRAS at NICOLE DONESA


Ibinahagi naman sa publiko ng magkasintahang Mark at Nicole ang kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib noong Hunyo. Naging magkatrabaho ang dalawa bago sila umamin tungkol sa kanilang tunay na relasyon.




error: Content is protected !!