Alagang pusa na nag-uwi ng Php1, 000 kinaaaliwan ngayon sa social media!



Patok na patok ngayon sa social media ang alagang pusa na ito matapos niyang sopresahin ang kaniyang cat mom ng isang libong pisong papel! Ayon sa naging pahayag ni April Jean sa isa sa kaniyang mga post online, isang umaga ay bigla na lamang nag-uwi ng isang libong piso ang kaniyang alagang pusa.



Natatawa man ay agad nitong tinanong ang kaniyang alaga kung saan niya ninanakaw ang perang dala-dala nito. Ibinahagi ito ni April Jean sa Facebook page na “Cats & Kittens Philippines”.

Ayon sa naging pahayag ng cat mom ay ipinagtanong naman niya sa kanilang mga kapit-bahay kung mayroon bang nawawalan ng pera sa kanila ngunit wala ni isa man sa kanila ang nawalan ng pera kung kaya naman itinabi na lamang muna niya ito. Talaga namang bumilib ang publiko sa alagang pusa na ito na si Kenzie.

Tunay nga na hindi lahat ng pusa ay magiging kasing ingat niya pagdating sa pagdadala ng pera para sa kaniyang amo. Marahil kung ibang alagang hayop ang nakakita nito ay paglalaruan na ito, mababasa o di kaya naman ay mapupunit.




Ngunit tila iningatan ito ng husto ni Kenzie upang maipakita sa kaniyang Cat Mom. Samantala, napakarami namang mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga reaksyon at komento patungkol sa cute na pusang ito.


Ilan pa nga sa kanila ang nagbiro na marahil ay nagtatabi ng pera ang pusang ito para mayroong panggastos ang kaniyang amo. Ang iba naman ay nagsabing sana ang kanilang mga alagang hayop ay maging katulad din ni Kenzie.

Talaga namang hindi araw-araw ay nakakakita tayo ng ganitong kakaiba at nakakatuwang kwento. Sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari sa bansa at sa buong mundo, malaking tulong din ang mga ganitong balita na talaga namang nakakapagdulot ng kaligayahan sa maraming mga Pilipino.

Ikaw, anong gagawin mo kung mag-uwi ng pera ang iyong alaga isang araw?




error: Content is protected !!