Daniel Padilla nais pakasalan si Kathryn Bernardo bago siya tumuntong ng 30-anyos!



Si Daniel John Ford Padilla o mas nakilala ng publiko sa screen name niyang Daniel Padilla ay 25 taong gulang na aktor, modelo, endorser, mang-aawit, at recording artist. Siya ay anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla.

Isa siya sa pinakasikat at pinakahinangaang aktor ng kaniyang henerasyon. Ilan sa mga proyekto niya na talagang tumatak sa mga Pilipino ay ang Princess and I (2012–2013), Got to Believe (2013–2014), Pangako Sa ‘Yo (2015–2016), She’s Dating the Gangster (2014), Crazy Beautiful You (2015), Barcelona: A Love Untold (2016) at Can’t Help Falling in Love. Mayroon din siyang mga inilabas na album tulad ng Daniel Padilla (2012), DJP (2013), I Heart You (2014), gold record album I Feel Good (2015), at compilation album na DJ’ Greatest Hits (2016).

Naging matagumpay din ang kaniyang mga konsiyerto, ang ilan sa mga ito ay Daniel Live! (2013), DOS (2014), Most Wanted (2015) at DJ Classics: Back at the Araneta (2017). Kilalang-kilala din ang tambalan nila ng kaniyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo na KathNiel.



Ang kanilang relasyon ay walang taon na at patuloy pa ring nagiging matatag sa paglipas ng mga taon. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang diumano ay nalalapit na pagpapakasal ng dalawa.


Ngunit ayon sa kanila ay hindi pa nila ito isasakatuparan sa ngayon. Beach wedding ang nais nilang kasal. Bago pa man tumuntong ng 30 taong gulang si Daniel ay nais na niyang pakasalan ang 24 na taong gulang na si Kathryn.

“My dream wedding would be a beach wedding… Ang nakikita ko talaga after three or four years, basta before ako mag-30, iyon ang gusto ko.” Pahayag ni Daniel.

Ayon pa sa aktor, hindi nila nais magmadali ngunit nais niya din talagang mapakasalan ang nobya sa mga susunod na taon dahil sa ayaw niya ring mag-aksaya ng oras lalo na sa pagbuo nila ang pamilya at pagkakaroon ng sarili nilang mga anak.

“Ayoko masyado patagalin na umabot na sa range ng 30s, kasi ‘pag tumapak na sa 30, ang bilis na naman, e. Sana before 30, maging swabe na ang lahat at matuloy ang kasal,” Dagdag pa ni Daniel.




error: Content is protected !!