Ex-girlfriend ni Buboy Villar umalma na laban sa mga taong nagsasabi na masama silang mga magulang dahil naghiwalay sila!



Si Robert Villar, Jr. o mas nakilala ng publiko bilang si Buboy Villar ay 21 taong gulang aktor at mang-aawit sa Pilipinas. Marami ang humanga sa kaniya bilang isang mahusay na aktor at komedyante.



Kahit noong bata pa siya ay talagang marami na ang natutuwa sa kaniya. Samantala, marami din ang napa-sana all nang ibahagi niya sa publiko ang napakakulay niyang pag-ibig noong taong 2016. Abril 2016 kasi nang ibahagi nila sa publiko na nobya na niya ang Amerikanang si Angillyn Serrano Gorens.

Hulyo 2017 nang isapubliko nilang naninirahan na sila sa iisang bubong sa permiso na rin ng mga magulang ng kaniyang nobya. Mayroon na silang dalawang mga anak sa ngayon, sina Vlanz Karollyn at George Michael. Nitong mga nagdaang araw ay nagulat ang marami nilang tagasuporta dahil sa ibinalitang paghihilawayan ng dalawa.






Umani ito ng maraming negatibong reaksyon mula sa publiko. Marami din ang nagsasabing masasamang mga magulang sila dahil sa nagawa nilang maghiwalay nang hindi iniisip ang kanilang mga anak. Umalma naman si Angillyn sa mga taong humuhusga sa kanilang naging desisyon.
Ayon sa kaniya ay walang “sense” ang sinasabi ng mga taong masama na silang mga magulang dahil lamang naghiwalay sila.


“People be saying me and Buboy are bad parents because we broke up? Really guys???? That makes zero sense!” Pahayag ng dating nobya ni Buboy.





Ayon din naman sa naging pahayag ni Veybillyn Gorens, hindi pagiging iresponsable ang ginawa nina Buboy at Angillyn dahil lamang sa ninais nilang maghiwalay. Tunay nga na napakahirap nito para sa mga magulang ngunit mahirap din naman ang kanilang sitwasyon lalo na kung hindi na talaga kaya pang ipilit ang kanilang pagsasama.

Kung kaya naman para sa ikabubuti ng lahat ay ginawa nila ang alam nilang nararapat. Higit pa rito ay walang “bitterness” sa pagitan nilang dalawa dahil sa kanilang paghihiwalay, bagkus ay nag-uusap pa rin sila lalo na kung para sa kanilang mga anak.




error: Content is protected !!