Michelle Madrigal at Amerikanong mister nito nagsimula ang lovestory sa Tinder!



Viral ngayon sa social media ang video ng mag-asawang Michelle Madrigal at Troy Woolfolk. Ibinahagi kasi nila sa kanilang mga tagasuporta kung paano nga ba nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Taong 2019 nang i-post ng mag-asawa sa isang kilalang social media platform ang video na ito ngunit nito lamang Oktubre ng kumalat ito at pagkaguluhan ng maraming mga netizens. Mapapanuod ang viral video nilang ito sa YouTube channel na “The Woolfolks”.

Mayroon na itong higit sa 19,000 na mga subscribers habang ang viral video nila ay mayroon nang higit sa 558,284 na mga views. Patuloy pang dumarami ang mga taong nanunuod ng video nilang ito.

Talaga namang napakarami ang kinilig sa naging pag-amin ng dalawa tungkol sa una nilang pagkikita. Ayon sa naging Instagram post ni Troy, isang dating football player, gumawa sila noon ng kwento kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan, parang senaryo sa isang pelikula.




Naglalakad si Michelle nang makita si Troy at aso nito, natuwa ang aktres sa kaniyang aso kung kaya nagkaroon sila ng pagkakataong magkausap at maging magkaibigan. Ngunit lahat pala iyon ay gawa-gawa lamang nila dahil sa ang totoo ay nagkakilala talaga sila sa isang dating appa, sa Tinder.


Giliw na giliw ang kanilang mga manunuod dahil sa napakasinsero ng mga salitang binibitawan ng mag-asawa at tila ba komportable na silang ibahagi sa publiko ang naging pagkakakilala nila. Ang naging huling proyekto ni Michelle ay ang teleseryeng “Pasion de Amor” noong Hunyo 2015 hanggang Marso 2016.

Enero nang taong 2016 ay napagdesiyunan niyang magtungo sa Estados Unidos upang doon mag-aral ng kursong “Culinary Arts”. Mayo 2017 naman nang ibahagi niya sa publiko na ipinagbubuntis niya ang kanilang panganay.

Dalawang buwan ang nakalipas nang isinapubliko nila ang kanilang “engagement”. Maaalalang Abril noong 2019 nang ikinasal ang dalawa at ngayon ay nakabase na sila sa Texas, U.S.A kasama ang kanilang anak.




error: Content is protected !!