Child star na si Jana Agoncillo, mayroong nang ipinapatayong bahay para sa kaniyang pamilya!



Naaalala n’yo pa ba ang mahusay na child star na si Jana Agoncillo? Ilan sa mga natatangi niyang proyekto ay ang “Dream Dad” noong taong 2014 hanggang 2015, “Ningning: noong 2015 hanggang 2016, “Starla” nito lamang 2019 hanggang 2020.



Kabilang din siya sa mga artistang gumanap sa “Honesto”, “Bagani”, “Mano Po 7: Chinoy”, at “Everything About Her”. Talaga namang napakahusay niyang gaganap sa kaniyang mga karakter kahit sa murang edad ay kayang-kaya niyang makipagsabayan sa mga batikang aktor at aktres sa telebisyon at kahit pa sa mga pelikula.

Hindi na nga nakapagtatakang mas marami pa ang humahanga at bumibilib sa kaniyang talent bilang isang mahusay na artista. Dahil sa marami nang mga prokyekto ang naipagkatiwala sa kaniya, hindi na rin nakapagtatakang matupad niya ang isa sa kaniyang mga pangarap, ang pagkakaroon ng sarili nilang tahanan.




Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa social media ang ilan sa mga larawan ng ipinapatayo niyang bahay. Ayon sa kaniyang caption, “kahit maliit basta galing sa marangal at pinagsikapan mo just proud and grateful.”
Labis din naman ang kaniyang pasasalamat sa Diyos dahil patuloy siyang nakakatanggap ng maraming mga biyaya at pagpapala mula sa Kaniya. Maging sa kaniyang home network ay nagpasalamat din ito sa mga proyektong ipinagkakatiwala pa rin sa kaniya sa gitna ng pandemya na hanggang sa ngayon ay kinakaharap pa rin natin.

Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang una nating maranasan ang pandemyang COVID-19 sa bansa ngunit sa kabila nito ay patuloy pa ring nananalig at umaasa si Jana kasama ang marami pa nating mga kababayan na matatapos rin ang mga nararanasan nating ito sa takdang panahon.

Tunay nga maraming mga netizens ang lalong bumilib sa child star na ito dahil sa murang edad ay naisip na niyang unahin ang pagpupundar ng sarili nilang tahanan bago ang ano pa mang mga materyal na bagay.




error: Content is protected !!