Sam Milby at Catriona Gray sumuporta sa proyekto ni Gretchen Ho at namahagi rin ng mga libreng bisikleta sa mga residente ng Pasig!



Napakaraming mga hindi magagandang bagay na naganap nitong mga nakalipas na buwan sa ating bansa. Marami ang nakaranas ng mga sakunaa, kalamidad, pandemya at marami pang iba. Ngunit sa kabila ng napakaraming mga pagsubok na ito ay nananatili pa ring matatag at positibo ang marami sa atin.



Buti na lamang at sa kabila ng mga pangyayaring ito ay mayroong pa ring mga taong ginagamit ang Diyos at nagiging tulay upang makapag-abot ng tulong sa mga taong nangangailangan. Tulad na lamang ng proyektong ito ni Gretchen Ho na “Donate A Bike, Save A Job!”

Si Gretchen Ong Ho ay 30 taong gulang na host at dating volleyball player. Ang proyekto niyang ito ay nagnanais na matulungan ang mga kababayan nating Pilipino na magkaroon ng sarili nilang bisikleta na maaari nilang magamit sa kanilang trabaho o mapagkakakitaan.




Ayon sa ilang mga ulat, una nang naging daan ang programa ni Angel Locsin an “Iba Yan” sa Kapamilya Channel upang makalikom siya nga 30 mga bisikleta para sa mga stuntsmen at stuntswomen na nawalan ng mga trabaho dahil sa pandemya. Dahil sa mga bisikletang ito ay maaari na silang makapagsimula kahit simpleng trabaho o mapagkakakitaan tulad na lamang ng pagiging isang “delivery bike rider”.


Gayundin naman ay tumulong din kay Gretchen ang magkasintahang Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray. Sa kaniyang naging social media post ay nagbahagi siya ng larawan kasama si Miss Universe 2018 Catriona Gray at ang Head ng Cornerstone Entertainment na si Erickson Raymundo.

Nasa 50 mga bisikleta rin ang naipamahagi nila sa mga residente ng Pasig. Nag-pledge din naman ang kaniyang manager ng 250 mga bisikleta na talagang ikinatuwa niya ng lubos.

Talaga namang marami ang humahanga ngayon kay Gretchen gayundin sa mga sikat na personalidad na patuloy na nagiging instrumento upang kahit papaano ay magkaroon pa rin ng pag-asa ang marami sa ating mga kababayan.




error: Content is protected !!