Naging pagbabago sa Fil-Am actor at Spiderman star na si Jacob Batalon labis na hinangaan ng publiko!



Marami na tayong napapanuod at nababalitaan patungkol sa mga paborito nating artista sa telebisyon, radyo, at maging sa social media. Ngunit hindi makapaniwala ang iilan dahil sa viral post na ito ng isang sikat na Fil-Am actor!

Nasorpresa ang maraming tagasuporta ng Fil-Am actor at Spiderman star na si Jacob Batalon dahil sa naging post niya sa kaniyang Intagram account kamakailan lamang. Talaga namang kamangha-mangha ang naging pagbabago ng kaniyang katawan noon kumpara sa ngayon.

Kitang-kita naman ang napakagandang pangangatawan nito ngayon habang suot suot niya ang kaniyang “Corduroy jacket” at walang ano mang damit pangloob.



“Imma be vibin all day [emojis],” Caption ni Jacob sa kaniyang viral na larawan na nagsilbi na ring “celebratory post” niya para sa kaniyang ika-24 na taong kaarawan.



Nagkomento din ang aktor sa mga taong patuloy na nagkokomento patungkol sa pagbabawas niya ng timbang. Una nang nakilala si Jacob bilang matalik na kaibigan ni Peter Parker sa pinakabagong pelikula ng Spider-Man sa ilalim ng Marvel Cinematic Universe o MCU.

Ayon sa ilang mga ulat ay magkakaroon ng “third installment” ang movie series na ito na gaganapin sa Atlanta, Georgia sa Estados, Unidos ngayong buwan ng Oktubre. Si Jacob Batalon ay isang Filipino-American actor na una nang nakilala bilang si Ned Leeds sa Marvel Cinematic Universe films na Spider-Man: Homecoming, Avengers: Infinity Wr, Avengers: Endgame, and Spider-Man: Far From Home.

Talaga namang napakabigat ng kaniyang timbang noon ngunit ngayon ay isa na siya sa pinag-uusapang personalidad hindi lamang sa mga balita kundi maging sa social media. Sinong mag-aakala na ang nakasanayan na nating hitsura at pangangatawan niya ay magbabago pa pala?

Mas marami ang nagkaroon ng napakagandang inspirasyon dahil sa ginawa niyang ito. Tiyak na hindi madali ang pinagdaanan niya upang makamit ang timbang na mayroon siya ngayon kung kaya naman mas marami pang mga Pilipino ngayon ang nagnanais na alagaan din ang kanilang kalusugan at pangangatawan.




error: Content is protected !!