Alagang aso ipinagtanggol ang 2 taong gulang na batang pinapagalitan ng kaniyang ina na nakuhanan pa ng video!



Ang mga aso ang isa sa pinakamatapat na hayop sa buong mundo. Nakakatuwang makakita ng mga alagang aso na napaka-sweet sa kanilang mga amo.

Marami sa ating mga Pilipino ang certified pet lovers. Hindi maipagkakailang anak na o kapamilya ang turing natin sa ating mga alagang hayop.



Madalas nga ay mas mahal pa ang kanilang mga gamit o ang kanilang mga pagkain kaysa sa atin. Marami din tayong binibili na mga bitamina para sa kanila at madalas na pagpapatingin sa beterinaryo upang masigurong malusog ang mga alaga nating hayop.


Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung bakit naging malapit tayo ng husto sa mga alaga nating pusa, aso, ibon, isda at marami pang iba. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang video na ito ng isang aso at ng kaniyang batang amo.


Sa naturang video ay pinapagalitan ng kaniyang ina ang bata dahil sa pinaglaruan nito ang bagong bili na “facial cream” ng kaniyang ina. Nilapag kasi ng kaniyang ina na si Ms. Sun ang kaniyang gamit sa kanilang lamesa dahil sa kailangan niyang maghanda ng kanilang pagkain.


Laking gulat na lamang niya nang makitang nabuksan napala ito ng kaniyang dalawang taong gulang na anak. Hindi niya nais kunsintihin ang ginawa ng anak kung kaya naman dinisiplina niya ito.



Dahil sa galit na boses ng ina ay napaiyak na lamang bigla ang bata at nang mangyari ito ay tila pinagtatanggol siya ng alaga nilang aso na si Harry. Ang limang taong gulang na “Golden Retriever” ay umaangil at tila ba mangangagat para lamang ipagtanggol ang kaniyang batang amo.

Nakuhanan din ng kamera ang tila pagyakap at pagyapos ng aso sa bata na tila ba dinadamayan ito. Talaga namang napaka-cute pagmasdan ng viral video na ito na umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko.



Ngunit marami din naman ang mga netizens na nagpaalala sa ina na dapat ay hindi niya basta basta nilalapitan o hinahampas ang alaga niyang aso lalo na kung nagagalit ito dahil maaaring makagat siya nito sa ganung sitwasyon.




error: Content is protected !!