Family photo nina Coleen Garcia, Billy Crawford at baby Amari umani ng mga komento at reaksyon mula sa publiko!



Pamilya, maaaring isang simpleng salita lamang ito para sa ilang mga indibdwal ngunit sa karamihan ay napakalaking bahagi ito ng kanilang buhay at ng kanilang tagumpay. Hindi lahat ay binibiyaan ng isang masaya, kuntento at buong pamilya.



Marami rin naman sa atin ang nakaranas ng kabiguan pagdating sa ating mga pamilya ngunit napakahalaga pa ring ipagpasalamat natin ang maraming mga bagay lalo na sa panahong mayroon na tayong sarili nating pamilya. Tulad na lamang halimbawa ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford.

Wala na nga silang mahihiling pa sa pagdating ni Baby Amari sa kanilang buhay. Napakacute at napakaganda ng kanilang panganay na anak kung kaya naman hindi na nakapagtatakang humakot ng maraming views at likes ang ilan sa mga kuha nilang larawan sa social media.


Nagbahagi kasi si Coleen ng family photo nilang mag-anak sa kaniyang social media account at talaga namang kitang-kita sa kanilang mga larawan ang tunay na kaligayahan sa buhay. Mayroon pa silang isang kuha kung saan inaayos ng mag-asawa ang damit ng kanilang anak.


Nilagyan ito ni Coleen ng caption na “Family is everything.”Tunay nga na mapapa-sana all ka talaga kapag nakita mo kung gaano sila ngayon kasaya at kung paano nila sinusuportahan ang isa’t-isa.
Hindi biro ang maging isang ina o maging isang ama ngunit isa rin ito sa pinakamasarap na pakiramdam na mararanasan mo sa buong buhay mo. Kalakip man nito ay mabigat na responsibilidad at tiyak na kakailanganin din ninyong magsakripisyo mag-asawa, tiyak na makakaya ninyo ito ano man ang mangyari basta’t kayo ay magkasama.



Tulad na lamang halimbawa ng mag-asawang Billy at Coleen. Kamakailan lamang ay marami din ang naantig sa viral video ni Billy at ni Vice Ganda kung saan tila nagpaalam ang una sa huli at sa kanilang pamilya sa programang “It’s Showtime” dahil sa napagdesisyunan na ni Billy na lumipat sa ibang network upang mas masuportahan nito ang lumalaki niyang pamilya.

Agad naman itong naintindihan ni Vice at ng kanilang mga kaibigan sa programa.




error: Content is protected !!