Chito Miranda proud kay Neri dahil sa mas malaking kita nito at iba pang mga “investment”



Sa loob lamang ng tatlong buwan ay nakabili na ng tatlong “real-estate properties” si Neri. Agosto ng taong kasalukuyan ay nabili na ni Neri ang pinakagustong lupa ni Chito sa kanilang village.

Setyembre 2020 naman nang makabiling muli si Neri ng isang condo unit sa Pico de Loro, isang beach resort sa Batangas. Oktubre 2020 naman ng mabili ni Neri ang 6,000 square meter lot na isa sa pinakamalaki niyang “investment”.




Sa pinakabagong post ng Parokya ni Edgar vocalist ay talagang proud na proud siya sa kaniyang misis na si Neri Miranda. Una nang nakilala si Neri sa industriya ng show business bilang isang mahusay na aktres.


Ngunit nang maikasal silang dalawa ay nagpokus na lamang siya sa kanilang pamilya. Hindi naman natapos dito ang kaniyang karera dahil sa nagpursugi pa rin siyang magnegosyo.
Dagdag pa ni Chito, ang tagumpay na ito ni Neri ay bunga ng pagtitinda niya ng tuyo, kape, suka, beddings, mga alahas, at pajama. Sa ngayon ay magkakaroon na rin siya ng sarili niyang online shop.



Talaga namang tuwang-tuwa at proud na proud si Chito sa kaniyang asawa na “Wais na Misis” kung kaniyang ilarawan. Maaaring sabihin ng iba na sikat kasi si Neri kaya naging matagumpay siya ngunit pinabulaanan naman ito ni Chito.


Para sa kaniya, pinaghirapan talaga ni Neri lahat ng mayroon siya sa ngayon. Mayroon ding isang reseller si Neri na nakabili na rin ng dalawang sasakyan (isang kotse at isang van), habang ang isa naman niyang reseller ay nakabili na ng townhouse.



Paglilinaw pa ni Chito ay hindi sila mga artista pero talagang napakasipag ng mga itong magbenta online. Sa ngayon ay nagsisilbing inspirasyon si Neri hindi lamang para sa maraming mga kababaihan kundi para na rin sa kaniya mismong asawa.


Mapalad silang dalawa dahil sa pag-ibig at respetong mayroon sila sa isa’t-isa. Hindi lahat ng tao ay pinapalad na magkaroon ng ganitong klaseng asawa na makakasama nila sa panghabangbuhay.






error: Content is protected !!