Categories: Viral

Mister, sumabak sa “maternity photoshoot” dahil ayaw ni misis!

Usong-uso ngayon ang pagpapakuha ng mga buntis na misis ng kanilang mga “maternity sh00t”. Tila ba isa itong pagdiriwang o selebrasyon ng kanilang pagdadalang-tao.


Dito sa ating bansa, maraming mga nanay ang gumagawa nito lalo na ang mga sikat na artista at personalidad. Ngunit aakalain ba ninyong mayroon din palang isang mister na gagawa nito para sa kaniyang mahal na misis?


Nakapagbayad na kasi ang mister para sa magiging “maternity photoshoot” sana ng kaniyang buntis na asawa ngunit hindi ito pumayag kung kaya naman siya na lang ang gumawa nito. Ang “Martyn Wilkes Photography” ang nagbahagi ng ilang mga larawan ni Paco.


Noong una akala ng marami na siya ay bakla o di kaya naman ay isang transgender na magkakaroon na ng anak. Ngunit isa pala siyang tunay na lalaki dahil sa mayroon siyang asawa at dalawa pang mga anak.

Ang ikatlo nilang magiging anak ay papangalanan nilang Noelia kung kaya naman ito ang pangalang inilagay ni Paco sa kaniyang tiyan. Narito ang naging caption nila sa mga larawan ni Paco:
“The most precious thing in this life is to give life, to pass on our beauty…to experience the most amazing gift given to us by mother nature.”


“Paco is expecting a beautiful baby girl called Noelia, with only 5 weeks left to go, his dream of becoming a Father is finally coming true. ” dagdag pa nila.

Umani ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko ang mga larawang ito. Maraming mga netizens ang hindi makapaniwalang kaya rin pala itong gawin ng isang mister para sa kaniyang asawa at dahil sa ito rin ang pinakapraktikal na desisyong magagawa niya lalo na at nakapagbayad na rin siya para dito.


Talagang nakakabilib lang na “game na game” ang mister na ito sa pag-pose para sa kakaiba niyang photoshoot. Tiyak na ikatutuwa ito ng kaniyang asawa at mga anak!

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago