Neil Arce at Angel Locsin, pinakilig ang publiko sa pinakabago nilang vlog tungkol sa mga “friends turned into lovers”!



Madalas tayong makarinig ng mga kakaibang kwento ng mga taong nag-iibigan. Halimbawa na lamang ang mga taong nagmamahalan kahit pa malaki ang agwat ng kanilang mga edad, o di kaya naman ay mayroong kapansanan o malubhang karamdaman ang isa sa kanila, ngunit mayroon din palang mga magkakaibigan noon na naging magkasintahan kahit pa nga pagkakaibigan ang naging simula ng kanilang pagmamahalan.



Maraming nagsasabing mahirap sumugal sa ganitong sitwasyon dahil hindi naman palaging pareho ang nararamdaman ng bawat isa. Mayroong iilan na pinipili na lamang ilihim ang lahat kaysa naman mawala o masira ang kanilang pagkakaibigan.

At siyempre, hindi rin mawawala ang mga taong sumubok na sabihin ang totoo nilang nararamdaman sa isa’t-isa. Halimbawa na lamang ang engaged couple na sina Neil Arce at Angel Locsin.


Sinong mag-aakala na bago pa man sila maging magkarelasyon ay naging malapit silang magkaibigan? Ayon sa latest vlog ng dalawa, taong 2010 nang magkakilala sila at maging mabuting magkaibigan.



Pitong taon din ang dumaan bago nila naamin sa isa’t-isa na higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang nararamdaman. Ang grupo nga nila noon ay tinawag pa nilang “Ampalaya Anonymous” dahil lahat sila ay sawi sa pag-ibig ng mga panahong iyon.

Naikwento din ng batikang aktres na “Bro” ang naging tawagan noon bilang magkaibigan. Naging takbuhan nila ang isa’t-isa lalo na kung mayroong problema, personal man o patungkol sa pag-ibig.



Nirereto pa nga noon ni Angel si Neil sa iba niyang mga kaibigang babae at nagkaroon din sila ng mga karelasyon noon bago naging sila. Para sa magkasintahan, hindi madali ang mga pinagdaanan nila dahil sa kinailangan din talaga nilang magdesisyon kung pipiliin nilang maging magkaibigan na lamang o maging magkasintahan.

Halo-halong emosyon din ang naramdaman nilang dalawa dahil sa una na silang naging magkaibigan bago umamin na mahal na pala talaga nila ang isa’t-isa. Mayroon din silang apat na mga payo para sa mga magkakaibigan na tila ba nahuhulog na para sa isa’t-isa.



Una, siguraduhing gusto niyo talaga ang isa’t-isa. Ikalawa, tanggapin ang “awkwardness stage”.

Ikatlo, pag-usapan ang mga bagay kung paano kayo nag-uusap noon bilang magkaibigan. At panghuli, huwag kakalimutang ibigay mo lahat.

Para kay Neil, mahirap regaluhan si Angel dahil sa hindi ito mahilig sa mga bags, sapatos, at mga materyal na bagay kung kaya naman gumawa na lamang ito ng isang video kung saan tampok ang maraming mga artistang nagsasabing, “Angel, Please Say Yes!”




error: Content is protected !!