Dimples Romana sinorpresa ang kaniyang kasambahay ng isang regalong “house and lot”!



Hindi madali ang magbanat ng buto at kumita ng pera sa iyong pamilya. Marami sa atin ang sa murang edad pa lamang ay talagang nagsusumikap na sa buhay dahil sa gusto nating suportahan ang ating mahal na pamilya at upang maabot din natin ang ating mga pangarap sa buhay.



Isa na marahil sa mga pangarap na iyon ay ang pagkakaroon ng sarili nating bahay at lupa, negosyo, sasakyan at iba pang mga ari-arian. Ang sarap sigurong mamuhay kung wala ka nang iisipan pang renta buwan-buwan dahil sa pagmamay-ari mo na mismo ang kinatitirikan ng inyong bahay.

Ngunit sabi nga ng matatanda, hindi ganoon kadali ang makuha ang mga ito lalo na kung ipinanganak kang mahirap. Tila ba kahit anong pagsusumikap mo sa trabaho ay hindi pa rin talaga sasapat ang perang kinikita amo sa araw araw na gastusin sa bahay kasabay pa ng pagnanais na makaipon para sa pinapangarap na bahay at lupa.


Talagang napakaimposible! Ngunit para kay Ate Vilma na kasambahay nina Dimples Romana, agad agad na nabigyang katuparan ang kaniyang pangarap dahil sa kabutihang-loob ng kaniyang mga amo. Ibinahagi ito ng aktres at ng kaniyang mister sa kaniyang vlog kung saan mayroon lang dapat silang pupuntahang “property” kasama ang 17 taon na nilang kasambahay na si Ate V.



Laking gulat niya ng bigla na lamang sabihin ng mag-asawa na kaniya pala ang bahay at lupang kinatatayuan niya. Ito ay sorpresa nina Dimples at ng kaniyang pamilya dahil sa walang sawang pagmamahal at pag-aalaga ng kanilang kasambahay sa kanila sa lumipas na mga taon.

Ayon pa kay Dimples, matagal niya rin itong pinagdasal at pinag-ipunan kung kaya naman napakaasaya niya din dahil sa natupad na ang dati ay pinapangarap lamang niya. Tunay ngang napakapalad ni Ate V. dahil sa nakatagpo siya ng mga taong tulad ng pamilya nina Dimples na tunay na pamilya ang turing sa kaniya at hindi isang kasambahay lamang.



Tiyak na mas marami pang pagpapala ang matatanggap ng pamilyang ito dahil sa naging pagtulong at pagmamalasakit nilang ito sa kanilang mahal na kasambahay.




error: Content is protected !!