Niana Guerrero ipinasilip sa publiko ang kanilang napakalawak na farm sa Zambales!



Isa sa pinakasikat na YouTuber ngayon ay ang 14 na taong gulang na si Niana Guerrero. Hinangaan siya ng publiko dahil sa kaniyang pambihirang husay sa pagsasayaw. Tatlong taong gulang pa lamang siya noon ay nakitaan na siya ng potensiyal at pambihirang talento ng kaniyang pamilya.



Kung kaya naman nagpursigi din ang kaniyang kapatid na si Ranz Kyle na turuan si Niana upang mas malinang pa ang talento niyang ito. Isa ring sikat na YouTuber at social media personality si Ranz Kyle.

Madalas ay makikitang gumagawa ng mga nakakabilib na dance videos ang magkapatid na talaga namang sinusubaybayan ng kanilang mga tagahanga. Hindi na rin nakapagtatakang umabot na sa 12 milyon ang kaniyang mga subscribers online.


Kung akala ng iilan na dance videos lamang ang laman ng kaniyang YouTube channel, marami din itong ibinabahaging mga videos ng masasayang kaganapan sa kaniyang buhay. Tulad na lamang ng kanilang pagbisita sa napakalawak nilang farm sa Zambales.



Marami ang namangha dahil sa napakaganda ng lugar na ito at talagang napakalaki. Sinimula nila ang kanilang mahabang araw sa pamamagitan ng sama-samang pagkain o “boodle fight”.

Sa naging paglilibot nina Niana at ng kaniyang pamilya sa kanilang farm ay ibinahagi niyang noon pang 1950 nang maipundar ang lupa nilang ito. Sa kanilang farm ay makakita ng ilang mga hayop tulad na lamang ng mga kambing at baka. Marami din ditong puno ng mangga.



Maliban sa mga ito ay mayroon ding ilog malapit sa kanilang farm kung saan sila nanghuhuli ng mga isda noon. Kapansin-pansin naman ang labis na kasiyahan ng buong pamilya dahil sa wakas ay nakapasyal silang muli sa kanilang farm sa Zambales makalipas ang ilang mga buwan ng pananatili lamang sa loob ng bahay dahil sa pandemya.

Tiyak na mas marami pa sa atin ang magnanais ding makapasyal kahit sandali sa ganito kagandang lugar, sariwang hangin at napakagandang tanawin.






error: Content is protected !!