Tekla inireklamo ng kaniyang “live-in partner” dahil sa hindi nito pagbibigay ng sustento sa pamilya!



Ang buhay may-asawa ay hindi kasing simple ng inaakala natin. Hindi ito tulad ng mainit na kanin na kapag napaso ka sa pagsubo ay maaari mong iluwa agad agad.

Maraming mga bagay na kailangang isaalang-alang upang maging matagumpay ang pagsasama ng isang mag-asawa. Ngunit paano mo nga ba masasabing kailangan mo nang umalis sa isang relasyon na hindi ka na masaya at hindi ka na nirerespeto?



Kamakailan lamang ay nabigla ang publiko sa rebelasyong ito ng ka-live in partner ngayon ng sikat na komedyanteng si Tekla o si Romeo Librada. Lumapit kasi siya at nagreklamo sa programa ni Raffy Tulfo na “Raffy Tulfo in Action”.


Ang inirereklamo ni Michelle Lhor Bana-ag ay ang pamimilit sa kaniya ni Tekla na magsiping sila kahit na masama ang kaniyang pakiramdam at kahit pa maraming mga bata sa kanilang silid. Ayon pa kay Michelle, sa tuwing hindi siya pumapayag sa gusto ng kaniyang kinakasama ay aalis na lamang ito ng kanilang bahay at pupunta sa kaniyang kaibigan na si Donita Nose upang mag-vlog.


Mayroon pang ilang mga pangyayari kung saan tila ba nagpaparaos mag-isa si Tekla at aksidenteng natalsikan ang kanilang bagong silang na sanggol at ang kaniyang kinakasama. Galit na galit si Michelle sa nangyari at talagang napuno na rin siya sa hindi magandang trato sa kaniya ng kaniyang kinakasama.




Aminado naman din siyang kay Tekla nakaasa ang buong pamilya niya kahit pa nga ang kaniyang tatlong pamangkin sa probinsiya ay suportado din ng komedyante ngunit hindi pa rin daw tama na hindi na asawa ang turing sa kaniya nito. Ayon naman sa naging pahayag ni Atty. Garreth Tungol ay tiyak na haharap sa mabibigat na kaso si Tekla kung sakaling sampahan siya ng kaso ni Michelle lalo na at marami ding mga batang nakasaksi sa mga pangyayaring ito.

Sa ngayon ay hinihintay pa rin ng publiko ang sagot ni Tekla patungkol sa isyung ito.




error: Content is protected !!