Online seller, aminadong nagkamali nang husgahan ang kaniyang buyer dahil lamang sa hitsura at edad nito!



Sabi ng matatanda, dalawa lamang ang uri ng tao sa mundo: isang manloloko at isang nagpapaloko. Marahil marami sa atin ang magsasabing totoo ito habang mayroon pa rin namang iilan na hindi sasang-ayon.



Ngunit karamihan sa ating mga Pilipino ay tiyak na naranasan nang maloko o di kaya naman ay manloko minsan sa kanilang buhay. Maaaring may kaniya-kaniya tayong personal na dahilan kung bakit tayo nanloko o di kaya naman ay kung bakit hinayaan na lamang natin na maloko tayo.

Sa panahon ngayon, laganap na talaga ang mga taong nanloloko upang manlamang at magsamantala sa kanilang kapwa. Nakakalungkot lamang dahil kadalasan ay hindi na nahuhuli pa ang mga manlolokong ito na nagiging dahilan rin upang makapangbiktima pa sila ng mas maraming tao.


Kamakailan lamang, maraming mga netizens ang tila naka-relate sa karanasang ito ng isang online seller na nakilala sa pangalang “Monasque U. Rhemuel”. Isa siyang online seller, nagbebenta siya ng mga cellphone online.

Mayroon siyang naging isang buyer na pinagdudahan niyang talaga dahil sa hitsura nito at sa edad. Nais kasi nitong bumili sa kaniya ng cellphone na Samsung A70, nagkakahalaga ito ng Php22,990 nang una itong inilabas sa merkado hanggang sa bumaba na ang halaga nito nasa Php15,000 at mas lalo pang bumaba hanggang ngayong taong 2020.


Sa halagang 4,500 ay nais bilhin ng naturang buyer ang isa sa kaniyang mga tindang cellphone. Noong una talaga ay ayaw niyang maniwalang bibilhin nga ng kaniyang buyer ang cellphone dahil sa inakala niyang wala itong ganoon kalaking halaga upang makabili ng kaniyang itinitindang gadget.



Ngunit talagang nagulat siya nang malamang para pala talaga sa kapatid ng buyer ang binili nitong cellphone sa kaniya. Pinag-ipunan pa ito ng naturang buyer upang maibigay sa kaniyang kapatid para sa online class nito.

Nagkaroon ng reyalisyon si Monasque na hinding-hindi dapat hinuhusgahan basta basta ang isang tao lalo na kung hindi mo naman talaga siya kilala.




error: Content is protected !!