Megastar Sharon Cuneta nagsilbing “blessing” sa maraming manggagawa dahil sa pagpapagawa nito ng bahay sa gitna ng pandemya!



Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay 54 taong gulang na aktres, singer, host, at commercial endorser. Nakilala siya bilang si “Megastar” dahil sa pambihirang husay niya sa pag-arte at pagkanta.

Noon pa man ay talagang marami na ang tumitingala at nagmamahal sa kaniya. Maaalalang ikinasal siya noon sa matinee idol na si Gabby Concepcion taong 1984, 1985 nang isilang niya ang anak nilang si KC Concepcion.



Ngunit tatlong taon lamang ang nakalipas ay naghiwalay din silang dalawa. Taong 1993 nang mapawalang-bisa ang kanilang kasal. 1994 nang makilala niya at makamabutihan ang pulitiko na si Francis Pangilinan. Dalawang taon pa ang lumipas at ikinasal ang dalawa.


Biniyayaan pa sila ng tatlong mga anak, sina Simone Francesca Emmanuelle Pangilinan, Mariel Daniella Sophia Pangilinan, at Miguel Samuel Mateo Pangilinan. Tunay nga na isa siya sa pinakahinahangaang personalidad sa bansa.


Hindi na nakapagtatakang magkaroon siya ng maraming mga proyekto at makaipon ng pera para sa kaniyang mga negosyo at iba pang investments. Sa ngayon nga ay nagpapatayo siya ng isang malaking bagay na nakakatulong din sa maraming mga manggagawa.



Makikita sa mga naging social media post niya ang labis na kagalakan dahil sa kahit paano ay nakakatulong siya sa iba pang mga Pilipinong nangangailangan ng pagkakakitaan sa gitna ng pandemya.

“When your contractor constantly updates you with video and photos of the construction of your house, and you cannot contain your excitement! Plus, it makes you so happy to know that many construction workers are making a living while building your home during this time of COVID!” Pagbabahagi ng Megastar.

“My fabulous workers being so disciplined. Also so very systematic and methodical in their work. Am so proud of them!” Dagdag pa niya sa isa pa niyang post.



Narito naman ang ilan sa mga naging reaksyon ng publiko sa viral post ni Megastar:

“Ano kaya hitsura ng bahay mo na ‘yan? I-vlog mo po ang development ng new house mo ah, super excited kami sa bago mong blessing Mega, congrats!” sabi ng isang netizen.

“Why am I so excited? Hindi ko naman bahay. Love you Mega!” komento naman ng isa pa.

“An employer with a pure heart. May God continue to bless you Mega so you can help more people. May everyone be safe while their building your new home,” Pahayag pa ng isa.




error: Content is protected !!