Alessandra de Rossi, nagbahagi ng cute na pictures ng anak ni Assunta habang nakanguso ito!



Si Assunta De Rossi ay 37 taong gulang na Filipina-Italian actress. Siya ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Alessandra De Rossi.

Pareho na silang nakatanggap ng “Best Actress award” sa Metro Manila Film Festival. Hindi na nakapagtataka dahil sa talagang mahuhusay naman silang mga aktres noon pa man.



Taong 2004 nang maikasal sila ng kaniyang nobyo noon na si Jules Ledesma, isang pulitiko. At makalipas nga ang halos 16 na taon ay nabiyayaan na sila ng kanilang panganay na anak!


Nagsilang na kasi ng cute at healthy baby girl si Assunta noong ika-23 ng Oktubre sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City bandang alas-7 ng umaga. Ang kaniyang bagong silang na anak ay pinangalanan niyang Giulia Fiorentina Alessandra o Baby Fiore.

Nagbahagi naman ng napaka-cute na larawan ni Baby Fiore ang kaniyang Tita na si Alessandra. Nakapikit pa siya at tila himbing na himbing sa pagtulong ngunit talagang napakaganda niya habang naka-pouty lips pa ito!


Maraming mga netizens naman ang nagpaabot ng pagbati kay Assunta at sa kaniyang pamilya dahil sa ligtas na pagsisilang niya ng panganay nilang anak. Talagang masayang-masaya sila ngayon sa bagong biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos sa gitna ng pandemya.


Sinong mag-aakala na paglipas ng maraming mga taon ay mabibiyaan pa ng anak si Assunta. Napakatagal niyang nagdasal at naghintay upang sa wakas ay maranasan din niyang maging isang ina. At ngayon nga ay nabigyan na ng katuparan ang matagal na niyang pinapangarap.



Tiyak na magiging mapagmahal at mabuti siyang ina para sa kaniyang anak na matagal niyang ipinagdasal sa Diyos. Nagpapatunay lamang ito na ang biyayang para sa iyo ay makakamit mo sa tamang panahon.

Maaaring mainip ka at madismaya sa dahil sa matagal na paghihintay ngunit malalaman mong napakasarap palang matanggap ang biyayang matagal mong ipinagdasal at ipinanalangin sa Diyos.




error: Content is protected !!